Ano mas nauna sa inyo mga mommies? Si baby? Kasal? O bahay?

On our case si baby. (No regrets 🧑 super thankful pa kami,she's the blessing we're about to meet 10weeks from now 😊). #nojudgement #respectpost #ftm #advicepls #theasianparentph #bantusharing

Ano mas nauna sa inyo mga mommies? Si baby? Kasal? O bahay?
405 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Gusto ko lang po ishare.. Pang MMK nga lang ang haba. Kasal ang una naming gusto mangyari, si Mama(MIL) that time, hindi naman sa ayaw niya sakin, hindi niya pa gusto mag asawa ang anak niya.. panganay ang asawa ko at super yung family ties ng family nila in good way. Galing ako sa liberated na pamilya at maayos ako nagpaalam sa parents ko.. ako mismo namanhikan sa family ng asawa ko. During a simple dinner, together with my BF, at sila Papa at Mama, nararamdaman ko naman ang magandang pagtanggap sakin lalo na ni Papa. si Mama most of the time tahimik lang, Naalala ko pa mga tanong sakin ni papa. "Sigurado ka na ba sa anak namin? Graduate ka, samatalang undergrad si Toto" (undergrad pa that time asawa ko at nagtatarabaho bilang crew ng mang inasal.) "Maging honest po ako. Siya na po ang pinakamagalang na lalaking nakilala ko. Alam ko po sasabihin ng iba, when it comes sa educational attainment, dehado po ako, pero nakikita ko po sa kanya ang pagiging pursigido sa buhay, hindi po siya mabisyo, hindi po siya nagmumura, magaling makisama sa kaibigan at katrabaho.Nakikita ko po sa kanya na hindi po siya mananakit ng babae at magiging mabuting ama po siya pagdating ng araw. Kung papipiliin po ako between diploma niya o katangian nya, pinipili ko po ang pangalawa.. anyway, in the future, pwede po siya bumalik ng school." Natuwa si papa. Tahimik lang si Mama. ang sarap sa pakiramdam nung sinabi ni papa na, " Yanda palang, ginakabig ka na namon nga puya namon" (Ngayon palang, itinuturing ka na naming anak) nasabi namin ng BF ko na, civil wedding lang ang plano namin.. sabi ni papa after daw ng fiesta, 3 months before that time) saka itutuloy ang plano. dumaan na ang fiesta(march), april, May. Nagtataka nako, bakit wala pa kami naririnig mula kina papa at mama katulad ng "... mag asikaso ma kayo ng requirements, itutuloy na natin ang plano." ayun pala pinipigilan ni Mama si Papa. so I decided na bumalik nalang samin. dahil LDR kmi ng BF ko( Pasig ako, Capiz siya) thinking nila mama, exagerated man pakinggan, laging madaling araw na raw natutulog ang BF ko kakacomputer. Iniisip nila way yun ng BF ko dahil LDR kami.. nagulat nalang ako, lumuwas ng Pasig ang BF ko. si Papa pa ang naghatid sa kanya dito dahil first time ng BF ko tumuntong ng Manila. ayun, Baby tuloy ang nauna. subrang pagkamiss sakin, najackpotan niya agad ako.. six months after mapanganak panganay namin, nagpakasal kami. Ngayon working na kmi sa pag iipon para sa bahay, Pinatapos ko muna siya ng pag aaral..☺️Nagtrabaho ako, while sinusuportahan sila ng anak naming panganay.

Magbasa pa

Samin baby ang nauna then kasal. Share ko lang mga My, yung father ko ayaw ng mapanganak ang apo niya out of wedlock kasi magiging illegitimate child siya if ever. Bilang Police, napaka strict niya pag dating doon (pasaway lang po talaga kami kaya nauna si baby hehe). Kahit yung dalawang nakakatanda kong kapatid, pinakasal niya kahit buntis na yung ate ko at hipag ko. Now, gusto sana namin ni hubs e civil lang muna pero siyempre, kontra nanaman ang papa ko, magpapakasal na rin daw bat di pa sa simbahan? (religious din po kasi siya). Nakapamanhikan na ang family ni hubs, nagkasundo na sa wedding details and all. Meron lang kaming more than 1 month to prepare. May mga araw na nag sstay ako sa bahay nila hubs during preparation. One time, kinausap ako ng MIL ko, kung pwede ko daw kausapin ang papa ko na i move sa susunod na taon yung kasal kasi that same year ikinasal din ang ate ng asawa ko. So, sukob db? The problem is, hindi naniniwala sa sukob ang pamilya ko, hindi kami mapamahiin lalong lalo na ang Papa ko dahil God's will ang lahat para sakaniya. Walang kahit na sino ang makakapag predict o makakapag sabi ng future bukod sa Diyos, that's according to him (and I agree to that). So sinabi ko yun sa MIL ko, napagalitan pa siya ni FIL kasi nga napagusapan na bakit ngayon palang siya nag sasalita at bakit ako ang kinakausap niya tsaka di nga naniniwala doon si Papa kaya bakit ipipilit niya? At hindi ko din po gagawin yung kausapin si papa na imove yung kasal dahil si papa yung klase ng tao na pag nag desisyon na, yun na yun, tapos na ang usapan. Madadagdagan lang ang galit niya sakin, at baka mapasama pa ang pamilya ni hubs sakaniya. Baka imbes na ipakasal niya ko e ilayo niya pa ako. Natuloy din naman ang kasal, nonetheless. Pero till now nakatira pa din kami sa in-laws ko at gusto ko na bumukod pero sa sobrang hirap ng buhay, ang hirap mag save dahil sumasakto lang sa gastusin namin yung income namin. Soon. Sana. Fingers crossed. 🀞

Magbasa pa

m.u kmi dati nong highschool ng asawa ko ngayon nag hiwalay kanya2x ng aral nong college na then wlang communicate... naging seaman sya ako naman nag trabaho s pinas then naging ofw after 12 years nagka communicate ulit dahil s pinsan kong seaman n close friend nya at naging kmi umuwi ako at nagpakasal kmi di n bumalik s abroad bago ko sya pinakasalan my naipundar n syang bahay after 5 months of marriage my malaking blessing n dumating s tagal2x n namin n hinintay nag bunga ng baby girl... bumalik ng barko im 3 months pregnant and now maging 7 months n tyan ko... πŸ₯°πŸ˜

Magbasa pa

Kasal saamin.. then pinagpray namin to have a baby and binigay naman ni Lord 4months after the wedding.. A quarantine baby they say hehe pero we planned to conceive since my husband is so busy with work. Lockdown and all so napaglaanan tlg ng panahon. And yes, you are right, kahit alin nmn jan mauna eh blessing naman lahat.. Lalong lalo n ang baby. Hindi lahat nabibiyayaan maging parent so it's something to be really thankful and feel blessed about.

Magbasa pa

kasal and then after 6 mos. dumating ang pamilya ng kapatid ng asawa ko sa bahay. ayoko na may kasama kami sa bahay kaya napilitan kami ipahati yung bahay. Bukod kasi sa mas madali gumalaw at walang makikialam, mas ibbless ng Lord ang family na sumusunod sa design nya which is to leave and cleave... and now, after a year, biniyayaan na kami ng baby. currently preggy @ 32 weeks.

Magbasa pa

Sa amin ng hubby ko dpat una ang baby kaso nakunan ako ng jan2018 kaya inisip nmin baka di pa a para sa amin ang baby then jan 2019 I aya n ako ni hubby pa kasal n daw kami kaya dec 2019 kmi kinasal at April 2020 lockdown nung nalaman ko buntis n pala ako and now waiting nlng ng ilang weeks para mkita si baby.. 😊😊😊 Next target nmin pg nkaluwag luwag na bahay naman.

Magbasa pa

Bahay - Wedding - Baby 7 years in relationship bago nag decide magpakasal. Pinilit unahin makakuha ng bahay during wedding prep at the same time nag tatry na magkababy pero syempre God's perfect plan ang mananaig. πŸ₯° Oct-Nov 2020 - Secured a house through pag ibig loan Dec 2020 - We got married Jun 2021 - Miscarried Jul 2022 - Our rainbow baby boy is born πŸ’™

Magbasa pa
VIP Member

God's perfect time talaga ang masusunod eh kahit siguro naplano mo na ng paulit ulit yung buhay mo. 😁 Ours is baby din, definitely no regrets! We were not that prepared in all aspects pero si God na rin ang tumulong samen along the way. Either way naman ang importante you and your partner agreed to whatever you decides to take.

Magbasa pa

Before getting married may house na kami, a year after nagpa kasal. Then 2 years of being married nagkasasakyan and finally, when we are about to celebrate our 3 wedding anniversary our precious gift surprises us❀️ next month on December 25 is my EDD. Everything is well according to Gods plan.

nauna lang 1month ung kinuhang bahay tapos nabuo c baby☺️❀️ tsaka na kasal naubusan na ng pera dahil sa pandemic at nawalan ng work c hubby. thanks to god at may nabalikan pa kong work kaya nakakasurvive pa ang gatas at diaper ni baby pati ang binyag makakasurvive na din sa december😁