Ano mas nauna sa inyo mga mommies? Si baby? Kasal? O bahay?
On our case si baby. (No regrets ๐งก super thankful pa kami,she's the blessing we're about to meet 10weeks from now ๐). #nojudgement #respectpost #ftm #advicepls #theasianparentph #bantusharing


Samin baby ang nauna then kasal. Share ko lang mga My, yung father ko ayaw ng mapanganak ang apo niya out of wedlock kasi magiging illegitimate child siya if ever. Bilang Police, napaka strict niya pag dating doon (pasaway lang po talaga kami kaya nauna si baby hehe). Kahit yung dalawang nakakatanda kong kapatid, pinakasal niya kahit buntis na yung ate ko at hipag ko. Now, gusto sana namin ni hubs e civil lang muna pero siyempre, kontra nanaman ang papa ko, magpapakasal na rin daw bat di pa sa simbahan? (religious din po kasi siya). Nakapamanhikan na ang family ni hubs, nagkasundo na sa wedding details and all. Meron lang kaming more than 1 month to prepare. May mga araw na nag sstay ako sa bahay nila hubs during preparation. One time, kinausap ako ng MIL ko, kung pwede ko daw kausapin ang papa ko na i move sa susunod na taon yung kasal kasi that same year ikinasal din ang ate ng asawa ko. So, sukob db? The problem is, hindi naniniwala sa sukob ang pamilya ko, hindi kami mapamahiin lalong lalo na ang Papa ko dahil God's will ang lahat para sakaniya. Walang kahit na sino ang makakapag predict o makakapag sabi ng future bukod sa Diyos, that's according to him (and I agree to that). So sinabi ko yun sa MIL ko, napagalitan pa siya ni FIL kasi nga napagusapan na bakit ngayon palang siya nag sasalita at bakit ako ang kinakausap niya tsaka di nga naniniwala doon si Papa kaya bakit ipipilit niya? At hindi ko din po gagawin yung kausapin si papa na imove yung kasal dahil si papa yung klase ng tao na pag nag desisyon na, yun na yun, tapos na ang usapan. Madadagdagan lang ang galit niya sakin, at baka mapasama pa ang pamilya ni hubs sakaniya. Baka imbes na ipakasal niya ko e ilayo niya pa ako. Natuloy din naman ang kasal, nonetheless. Pero till now nakatira pa din kami sa in-laws ko at gusto ko na bumukod pero sa sobrang hirap ng buhay, ang hirap mag save dahil sumasakto lang sa gastusin namin yung income namin. Soon. Sana. Fingers crossed. ๐ค
Magbasa pa


