Ano mas nauna sa inyo mga mommies? Si baby? Kasal? O bahay?
On our case si baby. (No regrets 🧡 super thankful pa kami,she's the blessing we're about to meet 10weeks from now 😊). #nojudgement #respectpost #ftm #advicepls #theasianparentph #bantusharing


Gusto ko lang po ishare.. Pang MMK nga lang ang haba. Kasal ang una naming gusto mangyari, si Mama(MIL) that time, hindi naman sa ayaw niya sakin, hindi niya pa gusto mag asawa ang anak niya.. panganay ang asawa ko at super yung family ties ng family nila in good way. Galing ako sa liberated na pamilya at maayos ako nagpaalam sa parents ko.. ako mismo namanhikan sa family ng asawa ko. During a simple dinner, together with my BF, at sila Papa at Mama, nararamdaman ko naman ang magandang pagtanggap sakin lalo na ni Papa. si Mama most of the time tahimik lang, Naalala ko pa mga tanong sakin ni papa. "Sigurado ka na ba sa anak namin? Graduate ka, samatalang undergrad si Toto" (undergrad pa that time asawa ko at nagtatarabaho bilang crew ng mang inasal.) "Maging honest po ako. Siya na po ang pinakamagalang na lalaking nakilala ko. Alam ko po sasabihin ng iba, when it comes sa educational attainment, dehado po ako, pero nakikita ko po sa kanya ang pagiging pursigido sa buhay, hindi po siya mabisyo, hindi po siya nagmumura, magaling makisama sa kaibigan at katrabaho.Nakikita ko po sa kanya na hindi po siya mananakit ng babae at magiging mabuting ama po siya pagdating ng araw. Kung papipiliin po ako between diploma niya o katangian nya, pinipili ko po ang pangalawa.. anyway, in the future, pwede po siya bumalik ng school." Natuwa si papa. Tahimik lang si Mama. ang sarap sa pakiramdam nung sinabi ni papa na, " Yanda palang, ginakabig ka na namon nga puya namon" (Ngayon palang, itinuturing ka na naming anak) nasabi namin ng BF ko na, civil wedding lang ang plano namin.. sabi ni papa after daw ng fiesta, 3 months before that time) saka itutuloy ang plano. dumaan na ang fiesta(march), april, May. Nagtataka nako, bakit wala pa kami naririnig mula kina papa at mama katulad ng "... mag asikaso ma kayo ng requirements, itutuloy na natin ang plano." ayun pala pinipigilan ni Mama si Papa. so I decided na bumalik nalang samin. dahil LDR kmi ng BF ko( Pasig ako, Capiz siya) thinking nila mama, exagerated man pakinggan, laging madaling araw na raw natutulog ang BF ko kakacomputer. Iniisip nila way yun ng BF ko dahil LDR kami.. nagulat nalang ako, lumuwas ng Pasig ang BF ko. si Papa pa ang naghatid sa kanya dito dahil first time ng BF ko tumuntong ng Manila. ayun, Baby tuloy ang nauna. subrang pagkamiss sakin, najackpotan niya agad ako.. six months after mapanganak panganay namin, nagpakasal kami. Ngayon working na kmi sa pag iipon para sa bahay, Pinatapos ko muna siya ng pag aaral..☺️Nagtrabaho ako, while sinusuportahan sila ng anak naming panganay.
Magbasa pa


