Asdfgh

Buti pa asawa ko kapag inantok pwede na matulog.. Buti pa sya hindi obligado gumising at bumangon sa madaling araw para asikasuhin si baby... Buti pa sya nakakaalis ng bahay, nakakapagbonding sa mga kaibigan kahit anong oras or kailan nya gusto. Kahit gabi aalis... Buti pa sya hindi sumasakit ang katawan kakapadede kay baby.. Buti pa sya lalong gumagwapo, may time mag ayos at asikasuhin ang sarili... Buti pa sya, wala naman daw pinagbago parang katulad pa rin daw ng dati.. samantalang sakin ang daming nagbago, hindi lang pisikal kundi sa buong pagkatao ko... Buti pa sya....

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Worth it naman lahat ng pagbabago sayo Momsh...Kaya mo yan. It's a motherly thing. Di lahat nabibigyan ng chance maging ina. Minsan naiisip ko rin yan pag inaantok ako sa madaling araw. Iniisip ko nalang na atleast mas marami kaming bonding ni baby. But try to have some time for yourself. Kahit mamalengke or lumabas ng mag-isa. Para di ka naman ma-stress out sa loob ng bahay. Kaya mo yan Momsh.

Magbasa pa