Stress

Buntis ako baby girl, lately lang nalaman sa bahay namin, hindi matanggap ng papa ko, ‘yung mama ko accept naman na niya sabi niya kasi it’s a blessing. Boyfriend ko nakabuntis sakin, 7 months palang kami. Almost 6months na ako. Gusto ng parents ko pakasal kami, ayoko pa kasi hindi pa ako ready sa buhay may asawa. Pananagutan naman ng boyfriend ko yung bata, actually nagbibigay na siya and naghahati kami sa gastusin, ayaw niya ilayo sakaniya yung bata ganon. If di kami magpapakasal lalayo niya bata sa boyfriend ko. Stable kami di sila umaasa sa kinikita ko sa work yung mga magulang ko. Kanina pag uwi ko lasing papa ko gusto niya ako makausap kung ano na ba plano ko.. Galit siya, sinisigawan niya na ako, tas pinaghahampas na ako, muntik na ako madapa, tas iyak ako ng iyak sobrang stress at depress po ako. Muntikan niya na din ako sikmuraan buti nalang andon mama ko at kuya ko. Pinipilit na ipakasal pa kami, nung sinabi ko na ayaw ko nagalit mas iniisip nila yung kahihiyan ko daw kaysa sa feelings at health ko. Btw I’m 23 na po. Parehas po kami working. Need advice :(

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tama yan wag muna mgpakasal agad lalo na hindi nyo pa kilala ng husto ang isat isa, tska sobrang bata pa para pumasok kau sa married life, ang pagpapakasal hindi yan basta basta, mainam na gawin nyo suportahan ang bawat isa, lalo na yung magiging anak nyo, gawin yung best nyo bilang mga magulang, maayos at masayang relasyon. Tska teh next time kung hnd kapa ready wag muna mgpapa buntis huh.. habang buhay na responsibilidad nyo yan sa anak nyo.. un lang at God bless sayo sa baby mo sa bf mo at sa pamilya mo..

Magbasa pa

You are both in the right age. You love each other. So bakit hindi niyo ituloy thru marriage? Palaguin niyo pa pagmamahal niyo. So what kung ayaw ni papa? So what kung galit siya? 1 year 2 years matatanggap niyan yan. Sa ngayon, ang isipin mo, ang anak mo, habang stress ka sa papa mo, siya ang nahihirapan. Nourish you husband and your baby woth love. Hayaan mo muna ang galit ni papa, Hindi sila ang makikisama. Pag nasaktan ka jan sa ginawa mo, jan ka matututo. Try to be independent.

Magbasa pa
5y ago

Independent naman po sila. Ang pinopoint out po niya ay hindi pa sila ready sa pagpapakasal pero pinipilit ng tatay niya at umabot pa sa pananakit which is wrong naman talaga.

I think you should get a place. at least hanggang dika pa nanganganak. para sa safety nyo ni baby. ok lang naman kung magsama muna kayo ng bf mo, soon mare-realize din ng Dad mo yung gusto mong mangyari. matatanggap din nya lalo na pag nakita na nya baby mo. kailangan nyo lang magpalamig. I'm sure di ka pababayaan ng mama mo, wag mo puputulin communication nyo after all, family pa din ang tatakbuhan mo if things with u and your bf don't work. soon things will be better.

Magbasa pa

Hello mamsh! Bat namn ksi nagpabuntis k n e d k p pla handa s pag aasawa, tapos anu yang anak nyo, handa k ng magpakananay? Hayy kalungkot nman. Anu b ang dhilan mo bukod s d k p handa? But if i wer u, pakasal nlang dn ako ksi bf ko nman xa, at may magging anak n kau, after mo manganak tsaka kau pakasal pra sure talga, ksi bka mmya s sbrang stress mo, (wag k nman sanang makunan) dhil s gngawa ng tatay mo e hndi matuloy yang pinagbubuntis mo. Ipagpray mo mamsh❤

Magbasa pa
5y ago

Typical filipino culture mindset. Sad.

Hindi kapa handang mag asawa anu gusto mong maging set up nyo ng bf mo dalaw dalaw lng sa bata?bibisita kung kelan free time?lgusto mong lumaki yung anak mo na ganun ang set up nyo gigising sya na kayo lang pag gusto nya makita tatay nya sasabihin mo pa?iniisip ng magulang mo yung anak mo sana isipin mo din yung anak mo hindi na yan tungkol sa nararamdaman mo tungkol na sa anak mo yan hindi kana bata para hindi maintindihan yung gusto ng magulang mo..

Magbasa pa
5y ago

Hndi lahat ng nabuntis sa kasal ang punta. Bubo hndi na panahon ni kupong kupong ngaun tanga 2019 na. Bakit sgurado kabang Sila na talaga porke na buntis ng Bf nya? Wow sino ka ba taga pag Dikta ng kapalaran? Sa panahon ngaun mas magandang pinag iisipan ng mabuti ang lahat di yung pa dalos dalos kung hndi ka naman MAYAMAN. Gets mo?

Yan din sabi ng parents ko ikasal daw kami pero inexplaine ko sa kanila na mahigit isang taon palang kami at hindi porket nagtagal.kmi ng ganon ay lubusn na nming kilala ang isat isa sinabi.ko na ayoko pa magpakasal may tamang oras para jan siguo.kapag stable na kami kasi yung boyfriend ko palang ang may work ako wala pa tatapusin ko pa ang SHS hayaan mo.sis maiintindihan din nila kung bakit mas pinili mong magisip kesa magpadalos dalos a buhay

Magbasa pa
VIP Member

I weigh mo bagay bagay. Kasi ang importante sa pagpapakasal, ay alam nyong totoong love nyo ang isa't isa. Yung sinasabi mong hindi ka ready, hindi mo na yan maiisip after mo manganak. Kung mahal nyo naman isa't isa... Dapat magpakasal na kayo.. Kasi unti unti namang darating ung time na magtutulungan kayong i work out ung relasyon at responsibilidad ng pag aasawa. It will also give legitimacy sa child mo pag nanganak ka

Magbasa pa

Eto walang keme, girl. Anong sabi mo? Hindi ka pa ready sa buhay may-asawa? So nong first month nyong magkarelasyon at may nangyari sa inyo, sa iyo wala lang yun? Ngayong buntis ka na, gusto kang panagutan, at sabi mo may work naman kayo pareho, ayaw mong magpakasal? Bakit? Anong plano mo sa buhay? Inilalagay ka sa mabuti ang tigas ng ulo mo. Di ko masisisi tatay mo sa ginawa nya sayo. Siguro matigas talaga ulo mo.

Magbasa pa
5y ago

Wow ate, hindi naman porket nabuntis matigas na ang ulo. Just because nabuntis kailangan na magpakasal, there’s a bigger problem other than that. Ang mindset kasi ng tao na when you got pregnant is to get married. And she’s abused physically so deserve niya ‘yon kasi nagpabuntis siya at ayaw magpakasal. FYI iba ang may buhay asawa sa may buhay anak. At least kahit hindi naman sila kasal pwede silang magkasundo sa future ng baby pano pag kasal? May tendencies na hindi kayo magkasundo sa mga ibang bagay pano naman, instead na future ng bata intindihin pati ‘yung buhay mag asawa iintindihin once they’re committed gets mo

Sobrang judgmental ng mga nagcocomment dito. Iba naman talaga commitment sa partner versus commitment to take care of the baby. Pwede naman tumira muna diyan boyfriend mo or tumira ka sakanila para magkakasama kayo. Gets ko naffeel mo ate. Personal choice naman ang pagpapakasal. Not being married to your partner wont make you less of a parent. Bumukod ka kung di matanggap ng tatay mo desisyon mo

Magbasa pa
5y ago

Also, bakit mo papakinggan ang opinyon ng taong nananakit ng anak aka tatay mo! Physical abuse yan.

ate kundi kpa ready s buhay may asawa sana inisip mo n sana d k nagpabuntis para wla kang problema...maraming paraan para d mabuntis ate nasa tamang edad kna alam mo n ang tama at mali...syempre kapakanan mo lng ang iniisip ng magulang mo, babae ang sa kanila may nwala pero s side ni kuya wla naman...kung talagang mahal mo c kuya magpakasal kna pero kung d kpa.din cgurado sana naisip mo n anak.nya ang dala.mo

Magbasa pa
5y ago

Hndi naman sguro tama na nabuntis lng e magpapakasal na. Pede namang kilalanin muna nila ang isat isa kung pano sla magiging magulang paglabas ng bata. Mahirap magpakasal sa lalaking d mo pa ganun ka tagal naksama at ganun ka kilala. Kung susubukan muna nilang mag sama dun lng nila malalaman kung pwde naba talaga sla magpaksal.