Stress

Buntis ako baby girl, lately lang nalaman sa bahay namin, hindi matanggap ng papa ko, ‘yung mama ko accept naman na niya sabi niya kasi it’s a blessing. Boyfriend ko nakabuntis sakin, 7 months palang kami. Almost 6months na ako. Gusto ng parents ko pakasal kami, ayoko pa kasi hindi pa ako ready sa buhay may asawa. Pananagutan naman ng boyfriend ko yung bata, actually nagbibigay na siya and naghahati kami sa gastusin, ayaw niya ilayo sakaniya yung bata ganon. If di kami magpapakasal lalayo niya bata sa boyfriend ko. Stable kami di sila umaasa sa kinikita ko sa work yung mga magulang ko. Kanina pag uwi ko lasing papa ko gusto niya ako makausap kung ano na ba plano ko.. Galit siya, sinisigawan niya na ako, tas pinaghahampas na ako, muntik na ako madapa, tas iyak ako ng iyak sobrang stress at depress po ako. Muntikan niya na din ako sikmuraan buti nalang andon mama ko at kuya ko. Pinipilit na ipakasal pa kami, nung sinabi ko na ayaw ko nagalit mas iniisip nila yung kahihiyan ko daw kaysa sa feelings at health ko. Btw I’m 23 na po. Parehas po kami working. Need advice :(

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Buti nalang understanding dad ko. Hindi nya din kami pinakasal kahit gusto ng kabilang side kasi hindi pa kami both financially stable kaya nag iipon kami ngayon for the expenses pandagdag kahit papano. Kaya mo yan mamsh atleast kayo may stable work pwede kayo bumukod anytime. Stay strong lang tyaka wag ka padadala sa stress.

Magbasa pa

Kung ayw mo magpakasal wag dn kau mag live in..sorry po kung may matatamaan pro hnd po kasi tama makipag live in..sex is just for married couple..ang pagsasama sa iisang bubong ay para lang sa mga taong mag-asawa meaning kasal..hnd pwd ang trial and error..masisira ang buhay mo sa ganun!.

5y ago

Tama po...pray pray pray sis

Just one advice: Do not get married if you are not yet ready. Wag kang papadala sa situation or sa sasabihin ng iba. After all, ikaw ang mkikisama at di ang father mo. You have to take your stand. Kung sinasaktan ka na, alis ka nalang muna sainyi.

Matanda na po kayo kung tutuusin wag nio hyaang iba ang mag kontrol sa mga desisyon ninyo ung parents ntin gabay nlng cla saatin pero nasaatin prin ang desisiyon lalo na at mga magulang na rin tau .. basta alam mong tama at mkaka buti sau at sa anak mo ..

Kung ipapayo nyo rin lang sa kanya eh maglive-in na lang (muna) sila, di kayo nakakatulong. Magpayo kayo ng matino. Mga magulang tayo dito, magpayo kayo na parang nagpapayo kayo sa anak nyo.

Di na praktikal pagpapakasal ngayon. Kame nga di pinakasal bata pa kass kame and mas mahirap pag pinakasal dahil lang nabuntis tas sa huli eh maghihiwalay din

Ikaw ang magpapakasal hindi ang parents mo at ibang tao. It's your decision to make. Mas masaya magpakasal sa tao dahil gusto nyo hindi dahil sa gusto ng iba.

pray for it.. itanong mo Sakanya kung anong dapat mong gawin.. Always keep in mind to do the right thing.. Pray ka lang mommy..

Kay gi una ang uwag, ti ano ka karon. Kiat ra ang agi. Wala sa plano, ti karon nagkagubot. Mga millenials karon oyy. Mga labad!

Matanda ka na ikaw na mgdecide..ung kakilala ko pinakasal sila sumunod na lang sila sa matatanda ending hiwalay pa din..