Stress

Buntis ako baby girl, lately lang nalaman sa bahay namin, hindi matanggap ng papa ko, ‘yung mama ko accept naman na niya sabi niya kasi it’s a blessing. Boyfriend ko nakabuntis sakin, 7 months palang kami. Almost 6months na ako. Gusto ng parents ko pakasal kami, ayoko pa kasi hindi pa ako ready sa buhay may asawa. Pananagutan naman ng boyfriend ko yung bata, actually nagbibigay na siya and naghahati kami sa gastusin, ayaw niya ilayo sakaniya yung bata ganon. If di kami magpapakasal lalayo niya bata sa boyfriend ko. Stable kami di sila umaasa sa kinikita ko sa work yung mga magulang ko. Kanina pag uwi ko lasing papa ko gusto niya ako makausap kung ano na ba plano ko.. Galit siya, sinisigawan niya na ako, tas pinaghahampas na ako, muntik na ako madapa, tas iyak ako ng iyak sobrang stress at depress po ako. Muntikan niya na din ako sikmuraan buti nalang andon mama ko at kuya ko. Pinipilit na ipakasal pa kami, nung sinabi ko na ayaw ko nagalit mas iniisip nila yung kahihiyan ko daw kaysa sa feelings at health ko. Btw I’m 23 na po. Parehas po kami working. Need advice :(

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

In the first place dapat di talaga ginawa, pero I understand nranasan ko naman yan pero ako wala ako narinig sa papa ko laging si mama ang nagsasabi para saknya dahil baka daw ano magawa sakin. At siymore naiintindihan koyon , pero siympre alam ko kung ano talaga yung gusto nila for me, ang magpakasal but ofcourse hindi pako handa nung mga panahon nayon im only 20 and yet parang bata oa talaga ako mag isip pero mas pinanindigan ko yung side ko na ayaw kopa paksal and then aftrt a year naghiwalay din kami ng tatay ng anak ko, going 5years na kami non pero dahil sa nakikita ko naman kasi na wala ako future saknya lalo na nung dumating yung bata nakipag hiwalay ako. Well ang sama ko dba? Pero hindi naman binigyan ko naman siya ng pagkakataon pero hindi ng work, till 1 day I decided na talaga na maghiwalay kami then narinig kolang sa papa ko is hindi nako rerespetuhin ng kahit sinong lalaki after ko makipaghiwalay nakakahiya daw ako pero pinanindigan ko parin na alam ko na tama ang hinagawa ko hindi ko ipipilit ang sarili ko sa bagay na di ako sasaya till years past may nakilala ako, at kinasal kami and now we have our little baby boy, and nasakin padin yung anak ko sa pagkadalaga. Pero gusto kolang iparating sayo na kung talagang di ka hnda ipaglaban mo yung sayo, dahil mahirap mag asawa sa di tamanv panahon at napipilitan kapa.

Magbasa pa

Hi mumsh, same situation tayo nung una gusto din ako ipakasal ng tatay sa boyfriend ko. 23 din ako nung nabuntis ako umabot pa sa kinausap na ng mga lolo ko yung side niya para pilitin na magpakasal kame. Tapos yung kondisyon ng papa ko kapag di kame nagpakasal, hindi na makikita nung boyfriend ko yung anak namin or magkakaron ng kahit anong connection samin dalawa ng anak ko. Ang ginawa namin nag-live in kame habang nagaayos ng papers para sa civil wedding lang sana pero habang tumatagal ang dami kase nagiging problema. Hanggang sa hindi na nila kame pinilit magpakasal muna. Siguro kung makikita din ng papa mo na responsable naman yung jowa mo hahayaan na nila kayo magdecide kung ano ba gusto niyo. And mas maganda kung makikipag usap yung boyfriend mo and ieexplain niya sa family mo na hindi naman niya kayo papabayaan. Hindi na uso yung birth out of wedlock jusku. Kaya mo yan beh! Stay positive lang 💕

Magbasa pa

Hugs mamsh. Iyak mo po kung naiiyak ka, wag mo pigilan. Masakit and mahirap ang nangyayari sayo ngayon. Base sa experience ko sa pamilya ko at sa nakita ko sa mga kapatid ko, wag sana maging dahilan ang bata para magpakasal. Habang buhay na commitment ang kasal. You can still be good parents even though di kayo kasal. Kapag nafeel nyo na both na ready na kayo na magpakasal, saka kayo magpakasal. Oo, pagsuway sa magulang yun, pero hindi naman sila yung maaapektuhan directly if di mag-work out relationship nyo (worst case scenario). It's your life. You're at the right age. Sooner or later magegets din yan ng papa mo. For now, maybe keep your distance na lang din muna sa papa mo. Hindi maganda ang effect sa baby if emotionally and psychologically stressed ka. Pakatatag ka po.

Magbasa pa

Naiinis ako sa ibang comments kala mo kung sinong Maganda! 😂🙄 Naku ate Sender wag magpa dalos2 sa desisyon muna ha. Tama yang gusto mo na kilalanin muna ang isat isa, lalo na kung pano kayo magiging magulang sa baby na yan. Gets kita na ayaw mo pa mag asawa kse nga ayaw mo pa magpakasal pero pede naman kayu mag live in muna at mas kilalanin pa ang isat isa. Tsaka kana magpakasal kung talagang ready kana kase naku Walang DIVORCE SA PILIPINAS AT MAHAL ANG ANNULMENT. Para lng sa apelyedo ng lalaki? Tpos pag d nagka intndihan mag hihiwalay. Naku yaan mo yang tatay mo. Ako pa sayu umalis kana muna jan lalo pat nasasaktan kana nya. Hndi sya ang makikisama kundi ikaw. Wag ka masyado magpaka stress maaapektuhan si baby. Labang lang 👍💪

Magbasa pa
5y ago

Bubo nga mag isip e tsk

wayback 2005 nabuntis din aq ng bf q 18yrs.old lng kme noon at 2yrs. din kme mag bfgf at first tlga galit n galit both parents nmin pro pinanindigan nmen ung bata ng bf q, tulad mu ayoq din magpakasal kht na parents n nmin ang nag aayos ng papers (pipirma nlng aq nun sis pra sa kasal) pro i insist na hindi p e2 ang tamang panahon pra magpakasal nginudngod n nga ung papers sa mukha q ng parents q sobrang kahihiyan daw ginawa q at itatama lng nla tapos ayaw q pa din dw😅.. ayun b4 kme mag 9yrs. ng bf q nahuli q xa na may babae ang ending naghiwalay din kme.. now may lip aq at gus2 nya aq pakasalan masaya kc hindi un dikta nino man kusa nya sinabi un sakin.. ung xbf q ung pinagpalit nya sakin kasal sa una kya kht gus2 nla cguro magpakasal hindi pede..

Magbasa pa

Masyado pa kasing maaga para sabihin nyong kayo na talaga habang buhay. Kami nga nag live in partner ko 7yrs na kami nag sasama at dalawa na anak namin mas okey pa pag sasama namin kesa sa ibang kinasal jan napunta naman sa hiwalayan dahil nag kasawaan na at puro sakitan na nangyayari. Kaya nung nabuntis ako pinakilala nya nako sa buong pamilya nya. At sabi nga ng byenan ko kung gusto namin mag pakasal nasa saamin daw yun kung kailan kami ready mas maganda makilala muna daw ang isat isa kesa sinubo mo ng mainit tas iluluwa mo lang fin daw. Ngayon matagal na kami nag sasama nag paplano na kami mag pakasal. Minsan kasi di naman kailangan madaliin ang pag papakasal mas magandang pinag paplanuhan nyong dalawa yan. Dapat pareho kayong may gusto na ikasal kayo.

Magbasa pa
5y ago

Depende pa rin po, wala sa bilis o tagal ng pagsasama yan bago ikasal para masabeng pang habang buhay 23 na po sila at sa tingin ko hindi na MASYADONG MAAGA yung mga ganong edad sa panahon ngayon, may mga kakilala ako teenager pero maayos rin naman ang pagsasama, meron din ako kilalang matagal na sila bago sila nagpakasal pero nauwi rin naman sa hiwalayan kaya nakaDEPENDE po talaga kasi kung kayo talaga ang inilaan, kayo talaga ang magkakatuluyan. Share lang po

Im still 21 years old, and we decided not to get married YET with ny boyfriend, kasi aware kami na sobrang bata pa namin. Hindi madali magka baby, and hindi madaling mag asawa. Prina prioritize muna namin si baby for now. Mag ipon, and magpakasal in less then 5 yrs. Hindi kami nag lilive-in. Ayaw din namin mamulatan ng baby na hiwalay bahay namin ng papa niya kasi. Sabi ng family ko, hindi naman yan nahuhulaan kung kailan ka talaga magiging ready, kahit 32 years old, mkakapag sabi parin na hindi mentally and spiritually ready for marriage eh. Control the things you can control lang muna. Which is finances. And try to plan for the future nlang muna, kung ano talaga gusto nyong gawin, for you and for your baby.

Magbasa pa

Galing ako sa broken family (kabit nanay ko) namatay tatay ko 14yrs old ako. Nung nilibing sya, pinapaalis kami ng mga anak nya sa sementeryo. Masakit para sakin. Simula nun pinangarap ko magkaroon ng buong pamilya at legal. Kaya at the age of 18, nagpakasal ako sa tatay ng anak ko. 17 ako nagkaanak by the way. Ang ending nag hiwalay din kami kahit pilit ko binubuo yung pangarap kong sariling pamilya. Ngayon nag asawa na ulit ako, napakagulo na ng buhay ko. Sobra. Ang hirap pala magpa dalosdalos. Kaya tama yan. Wag ka muna magpakasal. Hindi naman mga magulang mo ang mahihirapan kapag naging failure yung marriage nyo.

Magbasa pa

Sis, mabuti siguro kung umalis ka na muna sainyo. Sabi mo stable na rin naman kayo, and hindi na rin nman umaasa sayo parents mo financially so better siguro kung hihiwalay ka na ng tirahan. Follow your heart. Marriage is a lifetime commitment, and kung sa tingin mo di ka pa ready, then dont get married. Honor your feelings. Mas masarap at mas masayang magpakasal kapag alam mo sa puso mo na ito tlga yung gusto mo. Pray for guidance. Kaya mo yan. Isa pa, supportive nman si mommy and bf mo. In God's time, magiging okay din kayo ng dad mo. Focus ka na muna na maging safe pregnancy mo.

Magbasa pa

Baka iniisip lang ng papshie mo eh since buntis ka na sa halip na sila matutulungan mo hindi na mangyayare yun kasi may responsibility ka na sa magiging junakis mo. And iniisip lang siguro ng father mo na magiging illigitimate ang baby and ayaw niya mangyare yun kaya gusto ka ipakasal ng papa mo. Shempre ayaw naman siguro na mangyare yun sa apo nila yun since di naman nangyare sainyo yun. And wag paka stress baka nabigla lang and father mo sa baby pero matatanggap niya yan once na lumabas ad nakita niya apo niya. Hope nakatulong sayo ka-mamsh

Magbasa pa