Share ko lang...

Bumili ako ng Baru-Baruan ni Baby isang set na yan. Gusto ko kasi panglingguhan kaya tig 6pcs. yan. 1890 lang yan sa shopee. Kompleto na. Tapos sinabihan ako ng nanay ko na nag aaksaya daw ako ng pera hindi naman daw yan magagamit lahat. Ang gusto nya kasi mangyari manghiram na lang ako. Tapos nung nakahiram sya kulang kulang. Ngayon parang nawalan na ako ng gana mag add to cart at umorder uli. Hirap din pala ng nasa poder ng magulang mo kasi parati syang may sinasabi at gusto sya lagi nag dedecide para sayo. Baka nga pagkapanganak ko e buhay ng anak ko naman ang kontrolin nya. Tapos hindi ko na mapangaralan anak ko. Hindi naman kami makaalis dito kasi kahit papano yung asawa ko nagkakaroon ng hanap buhay dito both parents ko may business doon naman sa kabila sa poder ng asawa ko hirap din sila kasi walang business parents nya mga kapatid lang ng asawa ko nagwowork sa epza/bacao pero tahimik buhay ko kasi dalawa bahay doon. Sa isang bahay kami nakatira nung wala pang pandemic. Hindi kasi mabunganga yung nanay nya di tulad ng nanay ko. Kaso nung nalockdown di na sya makabyahe ng ayos sa tricycle kulang na kulang yung kita nya kaya lumipat kami dito. Hays diko na alam nasstress ako pag tuwing may sinasabi sila sakin. Yung bang gusto iblock yung mga gusto kong gawin na ikakasaya ko.

Share ko lang...
100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sinabihan din ako ng nanay ko nung una about barubaruan. Sabi nya okay na six to ten pairs dahil mabilis kalakihan. Pero syempre makulit ako di ko sinunod 2 dozen ata nabili kong damit, kasi nung lumabas baby ko ang liit. Kaso namroblema na ako nung 2 months nya kasi bigla syang lumaki di na tuloy nya masuot yung mga damit πŸ˜‚. Nagtiis tuloy si baby ng 1 week ata? Kasi inabutan kami ng pandemic and sarado mga mall kaya thru online na kami nakabili. Ngayon naman baliktad na kami ng nanay ko, sya naman bili ng bili ng damit ni baby, sarap daw kasing bihisan, and pwede namang ibenta or magamit pag nagka baby ulit sa family. Pero for me talaga, mas magandang sundin mo muna yung gusto mo or yung tingin mong mas makakabuti sayo and for baby, matututo ka din naman sa experience as the time goes by.

Magbasa pa