Share ko lang...

Bumili ako ng Baru-Baruan ni Baby isang set na yan. Gusto ko kasi panglingguhan kaya tig 6pcs. yan. 1890 lang yan sa shopee. Kompleto na. Tapos sinabihan ako ng nanay ko na nag aaksaya daw ako ng pera hindi naman daw yan magagamit lahat. Ang gusto nya kasi mangyari manghiram na lang ako. Tapos nung nakahiram sya kulang kulang. Ngayon parang nawalan na ako ng gana mag add to cart at umorder uli. Hirap din pala ng nasa poder ng magulang mo kasi parati syang may sinasabi at gusto sya lagi nag dedecide para sayo. Baka nga pagkapanganak ko e buhay ng anak ko naman ang kontrolin nya. Tapos hindi ko na mapangaralan anak ko. Hindi naman kami makaalis dito kasi kahit papano yung asawa ko nagkakaroon ng hanap buhay dito both parents ko may business doon naman sa kabila sa poder ng asawa ko hirap din sila kasi walang business parents nya mga kapatid lang ng asawa ko nagwowork sa epza/bacao pero tahimik buhay ko kasi dalawa bahay doon. Sa isang bahay kami nakatira nung wala pang pandemic. Hindi kasi mabunganga yung nanay nya di tulad ng nanay ko. Kaso nung nalockdown di na sya makabyahe ng ayos sa tricycle kulang na kulang yung kita nya kaya lumipat kami dito. Hays diko na alam nasstress ako pag tuwing may sinasabi sila sakin. Yung bang gusto iblock yung mga gusto kong gawin na ikakasaya ko.

Share ko lang...
100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung sakin naman kabaliktaran kunti. mama at papa ko bumili ng mga gamit ni baby tas naparami 😅 pero okay lang hinayaan ko lang kasi gusto ko ma feel din nila ang excitement sa pagdating ni baby. lahat ng desisyon ko nakabase sa pananaw ng magulang ko kasi napagdaan na nila lahat. one time di ako nakinig sa mama ko at nagkatotoo sinabi nya. kaya malaki pasasalamat ko anjan sila para gabayan ako sa pagbubuntis. kung di magamit yung ibang nabili ng magulang ko, ibebenta ko nalang pag naka imbak lang. narealize din ng magulang ko na napasobra ang bili nila pero sabi ko okay lang. mabebenta pa naman namin kung sakaling di magamit yung iba. stay positive lang momsh. always look for the better side 😊

Magbasa pa