First Time Mom

Btw, 8 months preggy ako at pansamantalang nakikitira sa bahay ng byenan ko. Obligado bang pati yung byenan kong lalaki pagsilbihan ko at ipaglaba ko samantalang sa damit palang naming mag-asawa nahihirapan na ako. Bukod kasi sa walang washing machine, sa poso pa nanggagaling yung tubig na ginagamit ko. Hindi ko rin naman makatulong yung asawa ko sa pag-iigib dahil abala sya sa ginagawang bahay namin. Actually may kinakasama naman yung byenan kong lalaki pero ang gusto nung babae pagsilbihan ko at ipaglaba ko pa yung lalaki pag wala sya

100 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

No....mahirap magbuntis lalo na 8months kana....maintindihan na nila yun..

5y ago

Mahirap kasing umintindi yung mga taong makikitid ang utak at puro sarili lang nila ang iniisip nila

Sana kayanin nyo na lang humiwalay momsh. Baka mapagod at mastress ka jan.

5y ago

Malapit narin kami humiwalay ng bahay, mahirap kasi tumira kasama ang in-laws. Kapag nagtitipid kaming mag-asawa nasasabihan pa kaming maramot daw kami

VIP Member

Umuwi k nalang sa magulang mo sis, kinakawawa ka ng mga byenan mo.

Unahin nyo pamumuhay nyo..may sarili kana pamilya di dapat ganun

Awwww hndi tlga lahat nabibiyyaan ng i aws na marunong mkiramdam

Basain mo nalang tas ihayhay muna agad😂 kapal ng mukha nya

VIP Member

Umuwi k nalang sa magulang mo, mali kasi yang ginagawa sayo.

Hindi po. Dapat po ikaw nag inaalagaan kasi manganganak ka.

hala grabe naman.. buntis kapo tas nagbubuhat kapa ng mabigat..

5y ago

Kaya pa naman eh, para hindi narin ako mahirapan maglabor

Obligation sya ng kinakasama nya dear wag ikaw