Mother-in-law

Breech position si baby sa ultrasound last checkup ko so di makita ang gender ni baby. Binalita namin sa in law ko tapos sabi nya: ay naku. Mahihirapan kang manganak nyan. CS abot mo jan. Dapat magpahilot ka. Ako naman sabi ko sabi ng doctor iikot pa naman po siya. Sabi nya: wala naman masama sa pagpapahilot kasi ako naman ganun nuon. Sa isip ko natatakot ako magpahilot. I am not sure kung safe ba talaga yun or necessary ba talaga na magpahilot ako dahil sa position ni baby. Sobra akong nastress sa remark nya. Ta pos sabi pa nya yung ambilical cord ni baby baka pumulipot sa neck nya. Sabi ko wala naman pong kaso yun ang alam ko. Sabi nya hindi hindi okay yun. Pwede mamatay baby mo. (Gosh. I wished I stopped talking.) Yung heart ko sobrang lakas ng tibok. Sumakit tyan ko ng buong araw na yun. Thank you for reading. And share na rin po kung safe yyng hilot o hindi. ❤

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nasa sayo yun momsh kung ano paniniwala mo. Ako kasi naniniwala sa hilot since sa province talaga ako lumaki. Kaming magkakapatid kumadrona lang nag papa anak sa nanay namen 6 kame sinabayan po ng hilot. Pero dapat po kung mag pahilot kayo dun po talaga sa legit. Di yung pera pera lang ang style nakakatakot yun. Kung Di ka sure dun sa manghihilot naku wag na. Hayaan mo na ang byenan mo. Baka ganun paniniwala nya pero ikaw po ang masusunod kasi ikaw po yung buntis. Saka pag breech position si baby tapos Di mo pa kabuwanan iikot pa po talaga sya. Marami pa sya Time mag explore sa tummy naten. Saka wag mo E stress ang sarili mo sa byenan mo. Baka maapektuhan pa ang baby mo kung kung dinaramdam ka.

Magbasa pa

Don't worry po, iikot pa sya. Sa akin 7 months na mahigit umikot sa 1st and 2nd baby ko po. Nag alala din po ako nun, pero walang sinabing option ung OB ko po na ipahilot. Ang sabi nya lang, maglagay ng ilaw or music sa bandang puson natin para puntahan nya, pinaka magandang option na binigay nya...PRAYER. kaya wag mastress mommy ikaw parin masusunod kesa kay MIL mo, chance at experience naman na natin to para maging nanay sa baby natin, sila namn may sarili ng experience. Pwedeng effective sa kanila pero di ibig sabihin effective din sa atin :)

Magbasa pa
5y ago

Thank you sis. You made a goos point. Try ko yan. 😊

it could go either way kase... pedeng umikot pedeng hindi.. at tama din xa na delikado ung pumulupot ung umbilical cordpero ang mali is ung hilot. imagine ung ngang madaganan lang ng konti u ngbtyan mu masakit na diba... tsaka di nakikita ng hilot ung loob ng tyan mu... malay nia kung anu na ung dinidiinan nia... kaya sobrang di yan advisable. pero maghanda ka na din... lage nmn anjan ung complikasyon sa buntis... basta dapat mag tiwala ka sa OB mu.. 😊 and pray..

Magbasa pa
5y ago

Thank you po. 😊

Naku mommy ganyan talaga ang mga mother in law gusto nila gawin mo din kung ano ginawa nila noon.wag ka po magpahilot hnd po yan advisable ng mga doctor.patugtugan mo si baby sa bandang puson mo ng mga classical songs or yung medyo lively songs iikot yan susundan nya music at kausapin mo na si baby.wg ka pastress.same tayo breech dn c baby ko sa unang ultrasound ko awa ng diyos umikot sya at normal ko sya nailabas.ingat mommy gudluck!

Magbasa pa
5y ago

😍😍 Thanks mommy!

Hello po yun sakin din po 7 months breechb din po noon ng pa ultrasound po ko. Pero sbi ng Ob ko pwde p daw umikot yun umayus ang pwesto. Sinabhan din ako mgpahilot pero dhil wla naman kme kilala manghihilot ndi nmn ako nkapag philot. Sbi lang ng mama ko kausapin daw si baby na umikot pumuwesto daw ng maayus pra d mahirpan si baby at ksbay din prayers.. Nanganak naman po ko normal awa ng Diyos.

Magbasa pa
5y ago

Aww. Thank you sis. 😍

Pwede ka magpahilot sa doctor mismo. May procedure silang ginagawa if nadetect before delivery na breech si baby. Pero if sa albularyo wag na. Hindi lahat marunong maghilot ng buntis. Yung iba siguro marunong pero baka matyempuhan ka ng di alam ginagawa nila. Play music to your baby nalang and kausapin mo din sya. Uso talaga hilot noon yaan mo na mil mo. Ganyan talaga sila.

Magbasa pa

Iikot pa naman ang baby mo masyado pang maaga..try mo ilawan ang tyan mo sa may bandang puson baka maatract si baby para sunda yung light...yung panganay ko hindi ako nakapag pa ultrasound kaya hindi ko alam kung anong pwesto nya.pero noong time na ng nag lalabor na ako saka ko naramdaman ng umikot sya pababa..wag mo ka masyadong mag pa stress.

Magbasa pa

Mskit kpag hinilot k dati nag try ako ksi breech din bby ko pero wla pdin nangyare pinanganak ko sya ng breech and nkaikot din ang pusod nya s leeg nya.Pero awa ni lord safe nmn nainormal ko pa nga sya una ang pwet nya Lumabs..Ksi maliit lng ang bby ko nun time n un kya nanormal delivery ko sya.Pray lng po at kausapin mo si bby lagi..

Magbasa pa
VIP Member

Don't worry mamsh iikot pa yan si baby. Breech din baby ko nung una pero kinakausap ko lagi sabi ko na yung head niya dpat andito na sa baba. Tas nung next na ultrasound ko kasi 32 weeks na ko cephalic na siya naka position na. Basta kausapin mo lang lagi si baby nakikinig naman siya kusa siyang iikot. Hehe.. Wag mgpapastress mamsh.

Magbasa pa

Pag umabot kana ng 34weeks pataas pa ultrasound ka ulit dapat iikot na si baby nyan peru pag nasa 21 to 29 weeks kapa breech tlaga ang baby nyan ang hilot dapat magpahilot ka sa mga nagpapaanak dati kasi sa panahon dati mas alam ng manghihilot ang posisyon ni baby kasi ung akin naka breech din 24 weeks ako nagpa ultrasound 😊

Magbasa pa