Mother-in-law
Breech position si baby sa ultrasound last checkup ko so di makita ang gender ni baby. Binalita namin sa in law ko tapos sabi nya: ay naku. Mahihirapan kang manganak nyan. CS abot mo jan. Dapat magpahilot ka. Ako naman sabi ko sabi ng doctor iikot pa naman po siya. Sabi nya: wala naman masama sa pagpapahilot kasi ako naman ganun nuon. Sa isip ko natatakot ako magpahilot. I am not sure kung safe ba talaga yun or necessary ba talaga na magpahilot ako dahil sa position ni baby. Sobra akong nastress sa remark nya. Ta pos sabi pa nya yung ambilical cord ni baby baka pumulipot sa neck nya. Sabi ko wala naman pong kaso yun ang alam ko. Sabi nya hindi hindi okay yun. Pwede mamatay baby mo. (Gosh. I wished I stopped talking.) Yung heart ko sobrang lakas ng tibok. Sumakit tyan ko ng buong araw na yun. Thank you for reading. And share na rin po kung safe yyng hilot o hindi. ❤
Excited to become a mum