Breech baby in 6 months, magiging cephalic pa kaya pag 8 months

Breech baby

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hahhaa pray lang sis ako since 19weeks breech si baby until 27weeks via CAS. Sabi ng OB ko magbabago pa naman daw yan bago mag 9months. Pero if hnd tlaga umikot CS daw kaya may nakahanda kmi pera for CS. Also, Matubig din daw kasi ako kaya mas malaki ung space ng baby ko umikot sa loob 😅

sakin po 36 weeks ako nung biglang nag breech baby ko. sinabihan ako ng ob ko na baka mag cs ako kasi anytime pwede na ako manganak. tapos nag second opinion ako sa midwife sabi sakin magpatugtog lang ako ng music sa may puson para sundan ni baby which is umikot nga si baby at nag normal delivery ako

Magbasa pa

yas, ung napanuod ko sa youtube cephalic baby nya entire pregnancy na CS sya kse 1 day before naman sya manganak nag breech bgla 😁 buti daw ready sila sa budget. Kase settled na sa last ultrasound nya na cephalic nagulat sila sa mismong araw nag breech.

TapFluencer

Kausapin mo palagi si baby, ako buong 6mos ko nka breech sya, plgi ko sya kinakausap tpos naglalagay ako ng music sa ilalim ng legs ko pag nkhiga ako tpos plgi ako nagdadasal pgdting ng 7mos ayun umikot na sya 😊

Ganyan din sakin mommy dati tapos last ultrasound ko, cephalic na.. Nanunuod ako sa youtube ng tutorial pano umikot si baby, effective sya. Hehe patugtog ka rin sa tummy mo

pwd pa po, c baby ko breech at 33 wks umikot pa nmn cya ginawa ko yung tuwad na position then hold lng ng 5-10 mins sa umaga at gabi yan ung advise sa akin ng mdwife

yes po' baby ko nung 5-7 months transverse lie pero ngayong 8 months na ako nagcephhalic na sya . kausapin mo lang lagi si baby mamsh tas pray lang po❤

yes iikot pa yan ganyan den sakin tiwala lang.. magmusic ka sa bandang puson kasi sinusundan daw nila yun.. nag iilaw den ako sa puson banda sa baba ganon..

sa palagay ko mommy pwede pa mag'cephalic c baby. nuod ka sa YT channel ni Mom JacQ. meron syang mga tips na naka upload dun. sana makatulong 🤗😇

Breech presentation din sakin nung 17week and 6days ... Pero now i'm almost 24week preggy. Pero always praying at kinakausap ko cia kasi malikot na☺️