7343 responses
We spent a lot on her 1st birthday,the following years celebrated her birthday with children in depressed areas. Para sa amin,mas worth it cya,mas nakakataba ng puso kung hindi lang anak mo ang napapasaya on that day. And she enjoys it naman,kasi she does'nt have playmates sa house. I'm currently pregnant with our second and will still be doing the same on his birthdays😊
Magbasa paHindi ko maunawaan ang konseptong tinutukoy ng pagiging 'bongga'. Ngunit para sa akin, taon-taon ay pulido kong inaasikaso ang mga detalye at bawat surpresa para sa kaarawan ng aking anak. Labis ang aking paghahanda ng mga surpresa na kinagigiliwan niya ng lubos, ngunit hindi nangangahulugan na ito ay may kaakibat na napakalaking gastusin.
Magbasa paIniisip ko lang din parang worth it ba ang 1st bday bongga kung hindi pa nmn aware si baby sa paligid nia parang mas dapat bongga pag sya na nakaka pag decide ano gusto nia pag bday nia at sino invited ganyan... So hindi ko alam if sa 1st bday ba ng baby ko papa party ako or kami na lang family mag celebrate
Magbasa paKahit first birthday hindi bongga. Cake at konting handa lang. Tapos ang present lang e lolo at lola nya saka tito nya. Si daddy kasi nya OFW. May budget kami, sure. Pero hindi kasi ko naniniwala na kailangan bongga. Ayaw ko lang din kalakihan nya ung mga ganyang bagay. Gusto ko mamuhay sya nang simple.
Magbasa paHindi. Kasi depende sa budget and practicality hindi natin masabi ang panahon. We taught our children to be simple din naman. DIY and surprises or anything they enjoy na gawin contented na sila. Mahalaga ma celebrate namin siya even in simple ways- cook at home, blowing of candle and with cake. :)
Basta ba kaya namin ng partner ko, kanya kanya naman tayo ng gusto. Mayroong gusto ng bongga, yung iba naman simple lang.. Para sakin kasi kahit simpleng celebration lng, tanging hiling ko lang ay healthy always
Hindi, tama na yung salo salo magpapamilya. Di naman kelangan ang bongga as long as healthy sila, tsaka mas prefer ko ibili ng mga essential ni baby kesa handa atleast pang matagalang gamitan😊
Nghahanda kmi ng birthday ng anak namin ung simple lng at hindi bongga dahil mas priority namin ung pangangailangan nila for their future kasi mahirap kapag puro gastos
preggy plng pero plan q never mghanda Ng bongga practical type ksi aq,kakahinayng lng na gumastos Ng Mahal pra lng ipakain sa chismosang kapitbahay,😅😅
1st 7th 16th at 18th lang haha pero feeling ko.magkakaroon ng isyu.sa in laws e sila.kasi.hindi sila naghahanda gusto pa naman nila tumulad ako sa kanila hahhaa