PAKIALAMERANG BYENAN NA HILAW (kapatid ng byenan kong babae)

Bilang isang Ina, masaya akong naaabot ng aking 2nd baby yung mga milestone nya every month kaya madalas kong naipopost ito sa FACEBOOK. Aba sabihan ba naman ako na lahat na lamang daw ipinopost ko sa FB. Gustong gusto ko na syang sagutin! Palibhasa kase hindi sya nakaranas na magbuntis at managanak. Lahat na lang may comment sya sa buhay namen. Pati pag go grocery namen marami syang sinasabi. Kesyo hindi daw kame marunong mag budget at ang gusto nya every payday ng husband ko dapat magbigay daw kame sa kanya. Eh ang dami dami nilang ipon sa bangko. Yung byenan ko nga eh hindi kame pinapakialaman. Hinahayaan lang nya kame magdesisyon sa aming buhay para matuto kameng mag asawa.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yan yung ayaw ko sa lahat. yuny pinapakialaman pagiging nanay ko sa anak ko. so ako ginagawa ko kung anong sa palagay kong okay at hindi naman nakakasama para sa anak ko. pakialam ko sa mga pinagsasabi nila 🤣magulang ko nga di nakikialam sa way ng pag aalaga o kung ano mang gawin ko sa anak ko e. sa inlaws lang talaga madaming kuda na in the first place wala naman silang ambag sa pag aalaga sa anak ko. nung buntis nga ako at nadulas wala manlang pag aalala tapos makikialam sakin sa pag aalaga sa anak ko. manigas sila sa pagsasabi ng kung ano ano. my child, my rule.

Magbasa pa