PUYAT AT STRESS KAY MIL

Grabe, 3 days na kong walang maayus na tulog. Mahirap pag si baby may sakit tapos mag-isa mo lang. πŸ˜” walang makapagproxy sayo. Please pray for us mga mommies. Sana gumaling na si baby. Nag aantibiotics naman na sya. Kaso monitor ko kase every hour yung temperature nya. Sana din kayanin pa ng katawan ko tong puyat at pagod at stress. OMg! Pano ba pate byenan ko sumabay. Bat daw nagpalit ng pedia? Di na daw kame nahiya kase sya yung kakilala ng pedia tas sa iba kame nagpapaconsult. Ang story po kase, may kamag anak talaga kameng pedia sa side ko. Kaso kase asa manila sya kaya ibang pedia po ang nakuha namen para sa baby. Netong nagkasakit yung baby ko syempre magtatanong ako papano gagawin at since close ko naman yung tita ko, sa kanya na ko nagtanong through messenger. Namasama po kase. Tas kanina yung asawa ko kase niraratrat nya ng message di na sya pinansin kase stressed din sa work at may sakit din sya ayaw na nya makipagtalo. Sinabe naman namen na di kame nagpalit ng pedia. Nagkataon lang na pandemic ayaw namen ilabas kaya sa kamag anak na nagtanong. Bat daw di tinawagan ang pedia talaga? Ang reason ko kase, last time kahit ganto nga ang sitwasyon, inisched kame ng flu vaccine sa hosp. Dun lang kase sya nagkiclinic. Actually secretary lang din naman ang nakakatext ko kase wala naman akong number ng pedia nya. Kahit friend ko sa fb last punta namen ng clinic sabe nya di sya nag ffb na. Iba pa din kase pagkamag anak at kaclose mo diba? Mas madali mag open lalo if malayo. Pate reseta sinend na lang din nya sa messenger. Plus sunday kahapon. Monday pa clinic ng pedia nya talaga. Big help na nagkagamot si baby kagabe. Medyo nag-iba iba. Di ko na nireply si MIL kase baka mas humaba pa. Pero nastress talaga ako lalo. πŸ˜”

PUYAT AT STRESS KAY MIL
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo nalang pansinin sis. Kaya lang naman sya nagalit kasi parang sya yung napahiya sa pedia kasi kakilala nya nga when in the first place, labas na rin naman si pedia if sa iba ka muna magpapaconsult tsaka di naman nya malalaman unless may magsabi nun. Kapag close-minded mahirap talaga kausap kaya wag kana mag aksaya ng oras basta nakapag explain kana, okay na yun. Get well soon kay baby! Wag ka pastress baka magkasakit ka rin nyan sis.

Magbasa pa
4y ago

Tama ka momsh. Di nya malalaman if walang magsasabe. Di naman din nasulatan ang baby book. Tsaka di naman talaga kame nagpalit. Nagtanung lang ako sa kakilala. Salamat.

Ung ganyang kausap, nagmessage lang para magalit, not really to listen to your side. So kudos for knowing when to stop talking kapag ganyan na kausap. Get well soon po sa baby mo ❀️ mag vitamins k rin po para di ka sumunod na magkasakit

4y ago

Thank you momsh. First time ko di sumagot sa ganyan. Big achievement for me. Iniisip ko kase nanay pa din sya ni hubby. Pero mas importante talaga saken na gumaling anak ko kahit sino pa pedia.