
2536 responses

Bigkis. Ginagamit ko yan no g nalabas talaga ang pusod ni baby ko pero nong kakapanganak ko pa lang sa kanya d ko yan ginagamit kasi sabi nong mga dr. D daw bigkisan ang pusod pero nalabas yung pusod ni baby panganay ko kaya nabigkisan ko mga 4mons na ata cya non so far okay naman d lang namin hinigpitan pag nilagyan
Magbasa papara sa pusod,tiyan para sakto ang laki sa katawan ng baby..at para di Kabagin..ginagamit ko sa panganay ko hanggang ngayon sa bunso ko..wala naman mawawala kung gagamit ka nito..kontrol lang sa pagtali na hindi mahigpit para makahinga ng maayos si baby😊
Bigkis, para sa pusod ng newborn babies. Yung mga pamangkin kong panganay natatandaan ko nagganyan sya. Pero yung mga sumunod clip na lang pati babies ko. ☺️ Di na namin ginanyan… di daw advisable yan.
Bigkis, inilalagay sa beywang ng bagong panganak na sangol na nakatapat sa kanyang pusod. Ginagamit upang maprotektahan sa mikrobyo at impeksyon ang sariwa at bagong putol na ambillicalchord ng baby.
para sa pusod at tiyan ni baby. Ayon sa mga matatanda mas ginagamit daw yang bigkis sa babaeng baby para sumeksi daw. 😂 Ginagamit ko lang ang bigkis kapag pinapaliguan si baby pangcover sa pusod.
story time.. explanation ng MIL ko, may curve mga anak nya kahit tumataba and all kasi binigkis nung bata haha (super slightly inclined maniwala kasi ako wala and di ako binigkis as a baby hahaha)
Bigkis, Para iCover Ang Pusod Ni Baby. At Sabi Ng Mama Ko, Para Daw Pag Laki Ng Anak Ko, Hindi Sya Mahirapan MagBuhat Ng Mabigat. Sa Babae Naman Daw Para Maliit Lang Ang Bewang 😅
bigkis ang tawag dyn. ginagamit yan pang takip sa pusod ng sanggol. sabi rin s kasabihan ginagamit din yan sa tiyan ng bata para di kabagin at di lumaki ang tiyan ng bata pag laki.
Bigkis para sa mga pusod Ng mga bagong panganak na baby ... mganda daw ito para hndi lumaki tyan ni baby Tska iwas kabag sabi Ng matatanda 😊😊😊
bigkis Yan. nilagay sa pusod ni baby para di lumuwa. sabe Ng matanda dapat din daw lagyan Ng bigkis Ang Bata para pampaliit Ng bewang para sa babae.