Nakabukod ba kayo sa pamilya nyo?

Bibigyan ko kayo ng konting backround para di unfair sa both side. 15 po ako nung nabuntis ako sa panganay ko. Ngayon sa pangalawa 23 na. Nagkagulo kagabi dahil umuwi ang asawa ko ( dito po kami nakatira sa bahay ng magulang ko ) yun nga umuwi kagabi yung asawa ko from work sa cavite. May lagnat po sya. May inutos naman po ang tatay ko. Pinakiusapan ng asawa ko kagabi na wag muna dahil masama ang pakiramdam. Kaso makulit ang tatay ko at naggagalit dahil di mapagbigyan. Weekly po syang may inuutos which is ok lang naman but hindi kagabi dahil masama ang pakiramdam. Hanggang sa nagalot na ang mama ko bat di pagbigyan yun lang naman ang pakinabang and all. Kami po ang nagbabayad ng tubig sa bahay dahil yun ang usapan. Hanggang sa nabadtrip ang asawa ko at nakapagmura at nagalit sya. Ngayon po gusto syang paalisin ng magulang ko. Di ko po alam ang gagawin. Gusto ko ding bumukod para matuto kaso ang naghoholdback sakin ay yung mga sinasabi ng mama ko. Na kung aalis ako iwanan ko ang anak kong panganay dahil pag pinilit kong kunin may mangyayari daw na di maganda sa kanya. Na kapag sumama ako sa lalaki ko bubugbugin daw ako nito, isusumpa nya daw ako na di kami makakaahon sa buhay lahat lahat ng ganon. Kung sasama daw ako sa lalaki ko bibigat daw ang buhay ko. Di daw ako kayang buhayin lahat lahat. Ngayon naman nakikita nyang tinitiklop ko mga gamit ang dami nyang sinasabi. Na mangyayari pag umalis ako. Wala naman akong kinakampihan pero ang hirap gumitna. Mahal ko asawa ko at mahal ko pamilya ko. Di ko alam kung anong desisyon ang gagawin ko kundi magdasal nalang. Sana may makapagbigay ng advice.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It's time para bumukod na kayo. Hindi talaga ako naniniwala sa mga pagsusumpa na yan. Kung maghihirap kami ng asawa ko o kung uunlad kami dahil yun sa mga desisyon na gagawin namin, hindi dahil sinabi o sinumpa ng kung sino. Kung nasa tamang edad na kayo at may mga anak na, dapat na bumukod na. At isa pa, walang karapatan ang nanay mo na ipaiwan ang panganay mo. Kung ipipilit nya yung gusto nya, magsumbong ka na sa Women's desk. Ikaw ang nanay dapat ipaglaban mo na maisama mo anak mo

Magbasa pa