almost at the verge of...☹️

Being a single Mom is not easy, alam ko naman yun but I choose to have a son. My son is the most precious gift I ever had. Kaya naman gusto ko lahat tama, but I need to work of course most especially para sa kanya. At para din sa pamilya ko. Madali sana ang lahat lalo na kung suportado ka ng mga magulang mo. Pero mas lalong bumigat ☹️ kasi sa araw-araw na ginawa ng Diyos naririrnig kong minumura ng sarili kong magulang ang anak ko sa tuwing naiinis at napapagod na silang alagaAn ito. Hindi dahil sa sobrang malambot ako o masyadong maArte pero masakit na naririnig kong ginaganun ang anak ko ng sarili kong kadugo. Gusto kong mag-hire ng Yaya pero yun ang kinakatakot ko sa sarili nya palang lolo unang maririnig yun.. Naiisip ko dati bakit ayaw ng partner ng kapatid ko na iwan sa bahay namin yung pamangkin ko ... ganito pala☹️ Gusto kong lumipat pero dahil sa kawalan ng funds hindi ko magawa. Malapit na ang 1st Birthday ng baby ko pero wala☹️. Kagabi is tge 3rd time na nahulog ang anak ko with the company of my Mom. Iniisip ko nung yung pamangkin ko ba eh nung nag-stay ng 1 week dito samin nahulog din kaya with her around. No, kasi ang takot lang nila sa partner ng kapatid ko. Oh diba hanggang sa Apo my favorito. Naintindihan ko na saming tatlo yung gitna talaga ang favorito nya kasi kahit na nauna syang nagkapamilya matapos lang ang ilang taon na naka-graduate sya wala naman akong narinig. Siguro dahil lalake sya at panganay ako. Ang dami kong angst na ayaw kong maramdaman ng anak ko kaya naman sa tuwing magkasama kami wala akong ginawa kundi ang huminga ng malamin. Oo nakakapagod talaga ang mag-alaga ng bata pero hindi sapat na dahilan yun para kung ano-ano ang sabihin sa kanya. Iniisip ko tuloy na hindi maganda ang childhood ng sarili kong magulang kaya ganun na lang sila sa anak ko. Pero hindi naman din nila pwedeng gawing rason yun habang buhay☹️ Sorry sa mga makakabasa dahil dito ko lang talaga nailalabas ang tunay na gusto kong sabihin.

1 Replies

Mamsh how about online job? Try mo kaya maghanap ng homebased na work para kontrolado mo oras mo tapos ikaw ang kasama ng baby mo? Mahirap ung ganyan kasi parang wala ring nag-aalaga sa kanya kasi sa intindi ko parang nagpapabayaan sya.

Hindi naman po sya napapabayaAn its just ☹️ they dont know how to take care of a toddler hindi kasi sila ang nag-alaga samin.. I mean nunv nabubuhay pa ang lola ko most of the time sya ang kasama namin eh..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles