Skin color

Bakit po ganun, ang puti ng baby ko nung nasa hospital pa kami tapos nung inuwi ko na sa bahay, paitim siya ng paitim? May same experience po ba sa akin? Ok lang naman samin kahit ano, nagtataka lang kami. Dahil ba aircon palagi sa ospital? 😅

Skin color
127 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ung baby ko una maputi tapos ung nsa nicu sya maiitim hanggang inuwi namin maitim padin ngaun mg4months old na sya maputi sya

VIP Member

check mo sa may bandang tenga at tummy nya kapag maputi yung part na yan it means maputi baby mo pero kapag maitim , meaning maitim baby mo

VIP Member

opo ganyan din po baby ko umitim nung pag uwi pero nung tumaba po pumuti na sya tlaga. Sabe po kaya medyo maitim pa masawan pa raw po

it's normal mommy hehe. si LO rin paglabas maputi, pag uwi nanilaw then nangitim tapos maputi na po ulit ngayon haha 11 months today

VIP Member

Hindi naman sa akin momsh maputi baby ko nang inilabas ko,maputi parin po nong umuwi kami hanggang ngayon maputi parin..

VIP Member

same po sa baby ko.. Simula nung pinapaarawan namin sya between 6am - 7am as advised ng pedia. Pero ngaun medyo pumuputi na sya. heheh

nagiiba kulay nya kasi as they grow, nagwash off na ung baby skin nya or ung skin nya sa womb. unti unti lalabas natural nyang color

same po mama tas nung mga ilang araw na kame na nilaw na sya pati ang mata nya nag karon pala sya ng jondice kung tawagin

4y ago

ganyan din po si baby, nanilaw kaya sabi ni pedia paaraw lang every day

hahaha. ganun din ung baby ko nasa ospital kami ang puti. pag uwi namin parang naitim na.😂 minsan maputi naman sya.

mommy yung oldest son ko ang itim hanggang ng 9months na shock na lng ako habang tumatagal pumuti na parang american boy hehehe