1st trimester

"Bakit po may brown discharge or may spotting po ko?" 1st trimester po isa po sa risky trimester (may iba naman po hindi). Pero kelangan natin pagingatan ang ating baby sa 1st trimester na to. Iwasan po makipagdo or intercourse muna sa inyong asawa. Iwasan po muna bumyahe ng malalayo. Iwasan po muna natin maglakad ng maglakad. Iwasan din po natin mastress at kung nakakaramdam ka ng stress, makinig ka ng music para kahit papano kumalma ang pakiramdam mo. Sundin mo ang sinasabi ng OB mo, dahil lahat ng sinasabi o binibigay na gamot ay makakatulong sayo at sa development ng iyong baby. Kapag nakaramdam ka ng pagsakit ng balakang o yun nga po nagkaspotting ka or brown discharge better to visit your OB kahit di ka nakaschedule at kung wala naman yung OB mo pwede ka naman magpatingin muna sa ibang OB na on duty para sa kasiguraduhan at safety ng anak mo. Kumain ng masusustansyang pagkain. Kung di mapigilan di kumain ng salty or masugar, disiplina at moderation muna para sa kaliligtas naman nito ng iyong anak. uminom ng maraming tubig mommy, yun yung pinakaimportante at magingat palagi. Konting kaalaman lang mommies. Thank you.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thank you for the info po 🤗

Yes thanks po