favoritism
bakit ganun. yung nanay ko lagi pinaparamdam sa akin na favorite nya ate ko at anak ng ate ko. kahit anong mali gawin ng ate ko, pjnagtatakpan pa din nya... yung ako na ginawan ng mali ng ate ko, sya pa din kinampihan. paani kasi yung anak ng ate ko, hahawakan yung baby ko, eh sabi ko, no touching. nagalit ate ko ang selan ko daw. aba syempre justify ko yung reason ko, ang haba ng kuko ng anak nya at ang dumi ilang beses ko na sinasabihan ng maayos eh nainis na ako, so sabi ko no touching na sa mahinahon na paraan. aba naman nagsumbong sa nanay ko, pinagsabihan ako ng nanay ko na bakit daw ako ganun sa ate ko at anak ng ate ko, nanay daw yung ate ko kaya masasaktan. talaga, so ako, paano ako.. hindi ba ako nanay? eh bagong nanay nga ako dapat sila una nakakaintindi. grabe ang sakit saki sa damdamin. tapos yung ate ko hingi ng hingi ng pera sa nanay ko tapos di pa nagbabayad sa household bills.. ako ni isang kusing wala hinhingi sa nanay at tatay ko ? lahat ginagawa ko para maging mabuting anak tapos ganiyo lang mararamdaman ko. hindi lang ako makaalis dito sa bahay namin kasi masnangingibabaw awa ko sa nanay ko kahit inis ako sa kanya, kasi akonlamg marunong mag alaga sa nanay namin. huhuhu masyado na ba akong dakila pwede na patayuan ng monumento.