Mother daughter issue. Advice po mga sis.

Nagkakagulo po ang pamilya namin ngayon. Kasi gnito un. Ung ate ko na dating dh sa hongkong umuwi siya last 2020 bngay ng tatay ko ang isang stall namin sa kanya para makapagbusiness siya, pinadugtong din to sa bahay niya nun umuwi siya. Tapos pinaayos nila to,. Namatay ang tatay namin , naiwan ang nanay namin. Ngayon, buonv akala ng ate ko na sa kanya na ang tindhan dahl nga pina mana sa kanya. Pero after niya ipaayos, binabawi ng nanay namin sa kanya. (Nun nagdecide ate ko na bmalik na sa dati nilang bahay). So nag away silang dalawa, pinabaklas ng ate ko lahat ng pinaayos niya sa bahay na yun tapos ang nanay ko naman nagglit sa ate ko. Diko na po alam kng ano ggawin para matapos ang gusot na to sa pamilya namin. Ang nanay ko po 74 na, ang point ko sana pinaubaya na niya sa anak niya para walang gulo. Ang ate ko naman , di kasi siya nagsabi o nagpaalam ng maayos sa nanay ko na aalis na siya. Bilang kapatid at anak, naiipiy ako sa gulo nila. Kailangan ko po ng payo. #pleasehelp

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pagusapan nyo nalng po ang problema unang una my mali dn si ate mo at di nkipgusap ng maaus s parents nyokht pera nya ang gnastos respeto pdn a mgulang dpat.Kung gusto ng nanay mo dun sana dina sinira ng ate mo pngwa nila kse bka gusto dn ng nanay nyo malibang.mgpatawran na kamo sila ang nanay nyo ay matnda na alaagaan n nten sila bilang isang anak dhil tau ay inalaagaan dn nila noong bata pa tau.mahalin naten sila hndi purket matnda na e hhayaan nlng advise lang po

Magbasa pa

Hindi ko alam ang magandang ipayo sa iyo. Ang sakin lang, kung ako nasa sitwasyon mo, wala, neutral lang ako. Susubukan ko ipaliwanag sa bawat isa kung ano ang mali/ tamang nagawa ng bawat isa. Pero kung hindi pa nila kayang magkapatawaran, wala na ko magagawa. Wala akong kakampihan, problema na nilang dalawa yun. Walang maitutulong kung gagatong pa ko. Hopefully, overtime ay magkapatawaran rin sila...

Magbasa pa

Kung maayos nman ang daloy business sana hinayaan nalang ng Nanay mo,nakikinabang din nman siguro sya. Natural na magagalit ate mo kase all of a sudden babawiin yung pinaghirapan niya. Ang mali lang ng tatay at ate mo wala silang hawak na papel katibayan na sya na may-ari nung pwesto. Wala kang magagawa sis kundi hayaan nalang sila kase nabaklas nman na eh,tapos na.

Magbasa pa

Kung ako ang magulang susuportahan ko pa ang anak ko kesa hilain ko pababa ang pamumuhay nila at mahihirapan lng ang nga anak at apo nya. Pg ako tumanda, mgtitiis nlng ako ng hirap, kasi matanda naman na ako, at hahayaan ko nlng mga anak ko na magsikap para skanilang anak or sa mga apo ko.

2y ago

valid po reason pero kung ako ang matanda, mas gusto ko maayos ang buhay ko. ung tindahan ng ate eh siguroy gagawen nyang tindahan nya or source ng income since patay na asawa nya , as a mom, nakakatampo talaga na para ka na itsapewera sa mga anak mo porke may mga pamilya na. hindi bat pangarap natin na tayoy mahalin paren ng mga anak natin ?? ang kulang kase dito sa story is ung context as to y umali and pano ba kinuha ni mudra ung pwesto, sapilitan ba or vacant na kaya inisip nya na pakinabangan na lang nya. sit down and talk to both. kung gusto mo momsh maayos to, talk to both of them. sit down together like a family.

Intindihin niyo nanay niyo, konting oras nlang ilalagi niyan sa mundo bibigyan niyo pa ng sama ng loob, kung ano gusto niya sundin niyo, besidea di kayo magiging tao kung di dahil sakanya, siya nlang natitira niyong magulang, mag aaway pa sila, mahalin niyo nanay niyo,

grabe naman nanay mo. di nalang pinaubaya sa anak. di nya madadala sa hukay yan sorry mi sa word pero di maganda ugali ng nanay mo.