proud or not ?
bakit ganun ung partner ko simpleng pag popost ko lang ng picture ng ultrasound ko ayaw nia wag daw ako masyado post ng post wag daw ako gumaya sa iba na detail by detail kung ipost ung pag bubuntis maging private daw ako sa buhay namin kc gusto nia daw ng tahimik ayaw nia ng maraming nakekealam . naiinis ako s knia ngayon feeling ko hindi sia proud n mag kakababy na kmi ??
Mas ok ung hndi ma social media momsh .. ganyan din kc asawa ko.. kaya ako din hndi na madalas magpost, madami nga hndi nkakaalam na buntis ako kc never ako ngpost sa social media, mga kamag anak lng tlaga namin nkakaalam at xmpre mga kapit bahay narin, ung iba kcng nsa social media anjan lng sila para sumagap ng mga bagay para mpag usapan sau.. KEEP IT PRIVATE, BUT NOT A SECRET..
Magbasa paSame sa partner ko. Di sya nagpopost about sa magiging baby namin. Pero as a partner dapat kilala natin sila. Since di naman talaga ganon ka-open up partner ko sa social media. For me mas okay na yun atleast wala masyadong nangengelam. Kita ko din naman sa partner ko na mahal nya kame ng magiging baby namin. As long as may tiwala ka at inaalagaan ka naman nya. Wag ka mag worries.
Magbasa paAsawa ko ganyan din habang ini edit ko yung pic, tas nakita nya sabay itinanong sakin kung ipopost ko daw ba yung pic na kita tyan ko, sabi ko hindi HAHA😂😂 hindi kasi ma social media asawa ko, simula nong naging kami never sya nagpost nang picture namin tagged or comment, ganun din ako never ako nagpost nang picture namin sa fb 😂 pero legal naman kami sa lahat.
Magbasa pauhmm,since nagbuntis ako never pa ako nagpost sa FB account ko ng kung anu about my pregnancy piro dito sa app na to yes I did 😊😊 as FB kc madami nag oosyuso haha kung dati mabulig ako mag post ng selfie now no more 😁 minsan mga.clue lang like when we got the ultrasound result and it's a boy I posted blue color with a heart and angel smileys.ganun din si LIP
Magbasa paFor me sis, siya pa tong nghihikayat to post about my pregnancy, for memories ba sa fb.. Kc ako I don't want to post stuffs na since I came back to ph kc npapaligiran nko ng tsismosa. Pero it's a good thing na your husband wants to keep things private. Kc it's true not everyone will be happy nor care about it ba. Chill lng mumsh.
Magbasa paMay mga bagay kasi na hindi na kailangan i-post. Wag ka mainis sa partner mo. Ako Nung di pa ako pregnant bihira ako mapost ng photo namin ng husband ko or kahit ano sa fb pero nung naging pregnant ako, mas hindi ako lalo nag ppost ng kahit ano. Ayoko ng madami nakaka alam ng pregnancy ko or shouild i say ayoko ng madaming nagtatanong. 😁
Magbasa paGanyan din mama ko kasi sabi niya may mga taong hindi natin alam na nagkakaroon ng inggit satin sa sobrang inggit nila kapag may magandang nangyari satin nagkakaroon ng negative chuchu na pwede nilang ipagdasal na bumagsak tayo or may mangyaring di maganda lalo na baby yan o tao kaya karamihan nagpopost nlng kung kailan nakalabas na baby.
Magbasa pasame! pareho kami ni hubby hindi nagpost ng anything about my pregnancy.. hindi sa hindi kami proud or what, gusto lang namin na private yung life namin.. you dont need to prove anything to anyone :) and masaya kami kahit na hindi kami nagpopost sa social media, mas masaya :) mas naenjoy namin yung moment, walang unsolicited advices.
Magbasa paIt's different from keeping it private and keeping it as a secret. Mas gusto siguro ni hubby mo na mga importanteng tao lang ipaalam yung kalagayan niyo. Tsaka mas okay na pili lang talaga nakakaalam. Social media is super toxic di lahat ng nababasa na comment dun like "congrats" is sincere most of them will talk behind your back 💯
Magbasa paako nga nung nanganak nalang ngpost, hindi nmn kc kelangan..alam nmn ng family ko, relatives, officemates pati chismosa nming mga kapitbahay. Ayoko din kc ng masyado madami tanong at comment, gusto ko tahimik lang pagbubuntis ko, hindi nmn kc lahat masaya or may pake, un lang point ng asawa mo, wag mo masyado bigyan ng meaning.
Magbasa pa