proud or not ?

bakit ganun ung partner ko simpleng pag popost ko lang ng picture ng ultrasound ko ayaw nia wag daw ako masyado post ng post wag daw ako gumaya sa iba na detail by detail kung ipost ung pag bubuntis maging private daw ako sa buhay namin kc gusto nia daw ng tahimik ayaw nia ng maraming nakekealam . naiinis ako s knia ngayon feeling ko hindi sia proud n mag kakababy na kmi ??

136 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haha ,ganyan rin ako,halos updated tlga ako sa post cmula p nong ndi p kami ng hubby ko kya nga jan kmi sa social media nagkatagpo...at heto na sa pagsasama namin halos nagpopost prin ako ng mga photos nmin ng hubby ko,pero sya bihira lang mabibilang lang😅kya nga minsa natanong ko s knya cguro may țnatago ka,bka takot k makita s mha naging karêlasyon mo,,pero pabiro ko lang namn s knya un,dhil alam ko namn lahat account nya s fb at passwor,pero bihira ko lang binubuksan kong may time lang na paranoid ako😅tapos heto after 1yr nbuntis n ako tapos syempree proud k eh,pinopost ko result ng utz ko..7weeks n un,ayon after 2 weeks nkunan ako,,kya ayun😭syempree nga updated sa fb eh,,after 2 months nabuntis ulit ako,tuwang tuwa hubby ko,kya pag p.t ko positive post ko n namn positve p.t ko pero wlang naniniwala kc april falls nga lang daw😅hinayaan ko nlang mga comments nla,,at yung time n un pagpost ko tumwag c byenan ko,kinausap hubby ko,mga 10pm n un,nagulat kmi late n tawag VC cla ng mudra nya,mkikinig lang ako s tabi nya,tjnanong ng mama nya bkit ko pa daw pinopost na buntis ako,nagagalit daw lolo nya side ng papa ng hubby ko,kc daw bka magagalit anak nya sa unang kinakasama nya,,,oo guys may kinksma kc hubby ko dati,,at syempree past is past namn,,,kaya medyo nasasaktan ako sa naririnig ko kya umapila n ako,,,tinatanong ko byenan ko,bakit ma anung problema dun s post ko,proud lang nman ako dhil buntis ako at mgkakaanak n kmi,at wla namn isyu sakin kong may anak n sya sa una,past is past tangap ko namn buong pagkatao ng hubby ko,kya yun sumang ayon namn byenan ko,sabi nya ,kya nga kc nga daw kontrabida tlga daw ung byenan nyang lalaki sabi ng byenan kong babae,,kya nga daw cla nagkakahiwalay ng asawa nya.kya sabi ko pa ulit at tsaka bkit ko ikkahiya hindi namaan ibang lalaki nkabuntis sa akin,at apo nyo nman to,kya sabi ng bynan kong babae hayaan nlang ntin un kc mga mahlig tlga un gumawa ng isyu,,dati p daw,kya pinayuhan ako ng byenan ko wag nlang daw pansinin,at pahabol kong sabi bkit nla alam ma,na hindi ko namn cla friend sa fb,,yun pla nang i stalk lang cla s post namin kya ginwa ko,post ako ng post kahit ulam namin,😅😅pinapaingit ko lang cla😅bhla kau manigas kau s kaka stalkng ng buhay nmin sa fb,kya yan din minsan pinag awayan nmin ng hubby ko,,inaasar ko sya ,,magpost na namn fko pra mkita ng kamag anak mo anu2x gingawa natin😅😅,,pero itong sa pagbubuntis ko now ndi ko n pinopost result ng utz ko,kapag ka nkalabas nlang c baby namin soon,😊kya ung asawa ko hinahayaan nya nlang ako,kysa mag aaway kmi regarding janx😅lalo n now nka lockdown,,iba iba kc tau eh,

Magbasa pa

Hindi naman po kasi basehan ng pagiging proud ang pagpopost sa social media. :) Tama si parter mo, mas okay na yung private kayo at wala masyado nakakaalam para hindi kayo pinapakelaman. Para kasi sakin, minsan pag nagpost tayo sa social media, binibigyan natin ng lisensya ang mga tao na may masabi sa buhay natin. :) Ako personally walang facebook. Asawa ko naman, 100 lang ang friends sa facebook niya. We opted to lessen social media interaction kasi wala namang naidudulot na mabuti. Nagiging source lang ng issues, away, stress at insecurity. Yang desisyon namin na yan actually made us really happy and content kung anong meron kami. Naglipana din ang identity theft sa social media. Mabuti ng secured ang information natin online. :)

Magbasa pa

Tulad ng husband mo ganyan dn ako.. Keep it private but not secret 💕 Mga piling tao lang yung nakakaalam n buntis ako and im happy for that pag may nagtanong edi sagutin but thats it. Ayoko kasi may nakekeelam sa pregnancy ko lalo n sa social media isa pa baka jan kapa mastress makakatanggap ka kasi ng kung ano anong comments & reactions jan na dapat mong iwasan so yung ginagawang pagbabawal ng asawa mo pagpprotekta nya lang yun sayo at sa magiging anak nyo.. Hmm cge magpost peo wag nman ung madetail tipong buong ultrasound pinakita mo na haha. Ako nagpost na ako nun 1 month na si baby :) skl. Nagssend lang ako ng pics thru msgr s mga taong importante at dapat makaalam at makialam.

Magbasa pa

Mas mabuting hindi magpost sa social media kasi hindi lahat ng tao masaya para sayo. May iba naiinggit kaya ingat ka sa mga maiitim ang dila kadalasan kasi sa mga lumalabas sa bibig nila nagkatotoo. Hindi din ako nagpopost, never kahit pt or ultrasound kasi nag aattract daw yun ng evil eyes. Yung friends ko kasi post nang post sa facebook bawat detale ng pagbubuntis ayun nakunan yung dalawa at yung isa patay ang bata overdue. Kaya nung nabuntis agad sila never na sila nagpost sa facebook talaga, silent nalang sila at ngayon succesful nakaanak na. Basta ingat ingat ka lang sis sa fb hindi lahat ng nag congrats masaya, yung iba bitter.

Magbasa pa
VIP Member

Same ng husband ko. Very private na tao and it’s okay. Tsaka I learned my lesson. One time pinost ko pic namin,may sumawsaw. Kesyo,si ganito ganyan pala husband ko e kilala daw yun na babaero ganito ganyan,daming sinabi na akala mo e mas kilala nya husband ko dahil lang sa isang encounter nila. Nagalit pa ko sa asawa ko nun but then I realized na,ako nga pala yung mas nakakakilala sa kanya. After non di na ko nagpost uli ng pic namin. Hindi ko din hiningi na ipost nya pic namin ng anak nya,tutal di din naman sya nagfefacebook tsaka ang mahalaga masaya kami. Hands on syang tatay,l at maalagang asawa. Keber sa pagpost ng pic. Better maging private

Magbasa pa

Alam mo mumsh to be, mas mabuti nga yang ganyan asawa mo lalo na pag di tlga sya mahilig sa social media ksi may point sya na mas tahimik buhay niyo pag di kau masyadong nagpapakta ng private life nio sa mga tao, walang nkikialam.. Minsan kasi ung mga friends natn sa fb nagcocongrats2 sa comment box pero deep inside pala may sinasabing masama dahil sa inggit.. Alam mo ung evil eye, un bang may naiinggit saung tao tapos magwwish sila ng masama sau.. Di ko kinakampihan tlga ang asawa mo ha pero ganyan din ksi hubby ko, as in maraming nashock na nanganak na ako di man lang nila nalaman na buntis pala ako ksi di ako nagpopost sa fb nun..

Magbasa pa

Hi sis, wag ka mainis sa hubby mo. Ibig sabihin lang nun he’s not into validation of other people. I understand your rant very well sis kasi ganyan din husband ko 😂 Pero it doesn’t mean naman hindi siya proud, proud yan syempre at magiging tatay na siya. Meron lang talagang mga tao na allergic sa social media and let’s understand them nalang, though for us girls medyo nakakainis minsan lalo na pag kating kati na talaga tayo mag post, hahaha. 1 post is enough na sis para walang gulp with hubby. Mas maganda naman talaga na hindi open lahat social media ang every details ng buhay niyo.. Congrats sis for the upcoming baby 😍

Magbasa pa

May tama naman kasi ung partner mo. Mas okay kasi na walang masyadong nakakaalam ng buhay niyo kasi di naman lahat eh matutuwa sa kung anong nangyayari sa inyo. Maganda na ung private ung buhay niyo lalo na kung sa social media. Ako kasi, ako mismo di active sa pagpopost tungkol sa buhay namin mag asawa. Marami na kasing kaibigan o kamag anak na mapanghusga. Minsan sila pa nagdodown sayo ng di mo alam. Yung ate ko nga nagpost ng ultrasound photo niya akala niya totoo ung pagcomment nila ng 'congrats" yun pala nilalait siyang masyadong "excited" daw sa pagbubuntis niya tapos kung anu ano pa sinasabi nila.

Magbasa pa

Kami ni hubby may mga bagay na minsan yes okay lang ipost may mga bagay na hindi lalo na mga bata ayaw namin masiyado na nag popost kami, kahit family pictures wala kani sa db pero nakmpakadami sa bahay maybe its just we want our life to be secured. Baka si hubby ganon lang den not all details kailhan ganito ganyan always may limit pero siymprw pag masaya talaga tayo nagagawa talaga natin magpost to express our feelings. Ganyan din naman ako minsan pero myday lang and once lang talaga ako nakaka pag post pag talagang gusto kolang isharw yung bagay nayun o pwedeng makatulong yung bagay na ipopost ko.

Magbasa pa

Di naman po nasusukat ang pagging proud nya sa pagpopost po sa socmed. Yug asawa ko ganyan, good thing pareho kami. D kami pareho mahilig mag fb or any soc med. Super as in bihira lang kami mag post ng pic.😅 yung wedding pics nga namin isa lang nakapublic. Yung ginawa kong prof pic. The rest of the photos sa mga invited namin, inupload ko pero naka private at yung mga nasa pi lang na nakatag ang makakakita. Nahihiya kasi ako for them kung di ko i-upload😅 regarding naman po sa pregnancy never pa ako nagpopost. Hehe private lang talaga. Importante po, ok ang pagsasama nyo sa totoong buhay😊

Magbasa pa