Rant

Bakit ganito na fefeel ko sa byenan ko? Bakit ayaw ko na lagi niya kinakarga si baby pero sa iba okay lang? . Tapos sa tuwing bumababa kami sa sala, kukunin niya saakin tapos papatulugin kahit bagong gising palang. Tapos parang nag mamagaling siya. Imbes turuan niya ako kasi ftm, pero hindi. Gusto na din niya ipatsupon si baby kasi para daw di na saakin mag para dede. Iba naging dating sakin mamsh. Parang gusto niya na angkinin anak ko. Kaya din siguro ako tinatamaan ng ppd dahil din sa byenan ko. Sinasabihan ko asawa ko pero hindi din niya masabihan mama niya. Alam ko dapat di ako magtanim ng sama ng loob sa mother in law ko kasi nakikitira palang kami ng husband ko dito sakanila. Gusto ko na din umuwi kasi mas komportable ako sa mama ko. Pero ayaw kami pauwiin kasi bawal pa daw ibyahe ang 6 week old. Sorry wala na ako mapagsabihan. Thanks sa app na ito?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pakisamahan mo na lang muna sis. Tiis2x lang muna hanggang sa makapag sarili kayo o makalipat kayo sa parents mo.