Ask lang.
Bakit bawal daw mag suot ng makukulay na damit ang baby? Kailangan daw all white or pastel color?
Kahit anong kulay pwede ipasuot sa baby. Nakasanayan lang na white kc kung di mo alam ang gender, mapresko sa baby ang white color, pag may gumapang na insekto makikita mo agad at mga white color kc kadalasan ang mga gawa sa factory.
Hindi naman siya bawal. Mas ideal lng ung white pra makita mo ung mga gumagapang na maliliit na insects kay LO mo. and practical dn sia if dmo pa alam gender ni baby pero gusto mo na mamili ng gamit 😁
Hindi naman sa bawal, ideal lang ang white color kasi para makita kung may insects na lumalapit kay baby. And practically speaking ok ang white para sa newborn lalo kung di mo pa alam gender nya.
..ang may kulay na tela kasi ay machemical.. hindi naman siguro bawal pero imagine yung sensitive skin ni baby nababalot ng harmful chemicals.. isa pa, mas mainit sa katawan ang de color.
for me hindi naman po sa bawal mommy,pinili ko yung white kasi para kita agad kapag may langgam na lumapit kay baby or kahit anong insects and malinis or ma aliwalas din po tingnan...
Hindi naman bawal momsh. It's your call pa rin naman whether kung ano color ipapasuot mo. Mas advisable lang ang white dahil mas visible yung mga insect if ever na gagapang kay baby.
Hindi naman bawal. Maganda kasi mga puti at pastel para makikita mo kung may mga dumadapong insekto kay baby. Dark colors kasi lapitin din lamok lalo uso dengue ngayon
Kasi mommy sabi nila mabango ang amoy ng mga baby kaya lapitin ng insecto. Kaya ok na white color or light color para makita yung mga insect na lalapit sa baby.
Di naman totally bawal, pero mas ok na din ang white makikita mo agad mga insekto ma dumadapo sa kanya. Saka nakaka fresh tingnan pag nakawhite sila.
Hindi naman po bawal sis i think nasa mommy pa din yun. Ako kase puro light color and puro white din damit ni baby boy ko para malinis siya tignan.