10 Replies
Inform your OB sis. ganyan den ako sa first child ko, one week ko napapansin na every wiwi ko pagkapunas nababasa paren yun pala nagleleak na amniotic fluid ko. no sign of labor, sarado pa naman cervix ko non, as in normal lahat pero di ko inaasahan at napapansin nababawasan na pala. mabuti nalang talaga at check up ko nung araw na emergency cs ako, pagcheck saken ni doc wala na pala panubigan kaya dali dali sya nagtanong sa mga nakapila pang iba kung may full term ba sa mga nakapila or may mga problema o nararamdaman kase kung wala pinabalik nalang sila kinabukasan kase need nako i cs ni doc asap. mabuti nalang mabait yung mga mommies na nakapila non. malakas naman ako magwater non as in 2-3litro a day. kaya si baby pagkalabas imbis na maconfine sya 7 days naghire kame nurse para turukan sya antibiotic sa heplock nya super mahal ng gamot gawa daw delikado sa baby yung nagleleak ng amniotic fluid may nakukuha sila infection sis. saktong 37 weeks lang ako non
if hindi siya white discharge, amniotic fluid mo na ang lumalabasa sis..nagleleaking ka na and more likely natanggal na ang mucus plug mo.. inform your OB agad para macheck and IE ka nya.. ganyan din nangyari saking before nagleleaking na pala ako ng around 2 days (48 hrs) then pag.IE sakin ayun manganganak na pala ako dahil nawala na yung mucus plug then my dugo na yung gloves ng OB ko after nya akong IE.. agad2x akong dinala sa labor room and bed rest until sa ipanganak ko ang eldest ko.. as in sa entire labor kung iihi ka, bed pan ang gamit mo kasi ise.save yung natitirang fluid para maiwasan amg dry labor.. and may ininject na antibiotic sakin thru IV line dahil more than 24 hrs. na raw na walang nakaprotect sa baby since wala na amg mucus plug
magpunta kana po sa IE if feeling mo laging basa underwear mo kasi ganyan nangyari sakin last june 23, then naadmit na ako agad, nagleleak na pala panubigan ko 11pm palang ng june22, pero pagdating sa ospital sila parin nagputok ng panubigan ko, almost 11hrs labor, nadala si baby sa NICU kasi natuyuan daw ng panubigan dahil sa tagal ng labor ko til' now hindi pa din sya nakakalabas pero okay naman ang progress nya makakalabas na sya sa june 29š¤š„ŗ
wala po lagi lang basa underwear ko lumalabas kasi sya kusa lalo pagtatayo ako, kung di pa ko tinurukan ng pampahilab sa ospital hindi talaga ko mag aactive labor
Yes, possible po. Ganun nangyari sa akin. Nabawasan bag of water ko ng di ko napapansin although nasa normal level pa din naman. close na close din ang cervix ko kada i.e. Inform your OB po sa result ng utz mo.
tanong lang po makikita po ba sa ultra sound kung nagleleak ung amiotic fluid? kaka CAS ko lng kase nung 27 normal naman lahat pero pansin ko rin minsan basa panty ko or ihi lang un? sana may makasagot š
hindi po pero makikita sa ultrasound kung gaano nalang kadami ang amiotic fluid.
yes kahit closed cervix pwedeng magleak parin ang panubigan. much better if youll inform your OB na pag di po sure saga bagay bagay, just to be safe lalo at kabuwanan mo na.. Godbless po
inform your OB po. possible po nagleleak amniotic fluid mo. hindi po safe na maubusan si baby ng amniotic fluid. full term ka na din naman po baka resetahan ka po ng primrose ng OB mo
Iba ang texture ng discharge, kapag basa lang at hindi ka naman umihi malamang nagleleak ang amniotic fluid mo. Consult your OB dahil mahirap kapag naubus yan.
Hala ka sis,dapat iniinform mo OB mo. Posible na nagleleak amniotic mo.
ihi yan
Anonymous