Bought a land with an extra charge??

Hi. Baka po may nakakaalam dito ng process.. This is not related to parenthood. Wala lang talaga ako mapagtanungan or mahingian ng opinion. Ayaw ko magpost sa FB at baka mabasa pa ng concerned parties, mag cause pa ng away. Bumili kasi ako ng 100sqm lot sa malayong kamag anak (tita ng mga pinsan ko, bale, yung father nila ang kapatid ni mama, tapos yung may ari, kapatid ng nanay nila) Portion lang sya ng 600sqm na lupa Nagka bayaran na at may deed of sale na. Papa survey KO pa (ako talaga magbabayad, kahit dapat sagot nila).. Kaso, isa sa mga pinsan ko (lupa din ng tita nila yun, pero pinatira sila dun). Nagpalagay ng pader noong start ng pandemic, para safe sila at walang labas pasok dun sa area nila. Nandun sa loob ng compound na yun yung lupa na binili ko. Now, gusto ng pinsan ko bayaran ko yung half na ginastos nila dun sa pader. (nandun na yung pader bago ko binili yung lupa). Di ako pumayag kasi, unang una, wala sa deed of sale yun. Pangalawa, ako ba nagsabi sa kanila na paderan nila yung lupa na di naman sa kanila. Dapat singilin nila yung tita nila na may ari talaga ng lupa Sinabihan ako today na kung di daw ako papayag bayaran yung half na ginastos sa pader, isosoli na lang yung pera ko na pinambili (again, di sila may ari ng lupa. Yung seller nga, tahimik eh) pero, parang wala gulo, pumayag na ako. Sabi ko, basta bigay nila ng buo yung binayad ko. Nasa abroad talaga yung may ari at sa end of july daw ang uwi sa pinas. Kakausapin daw ako Ginawa ko, minessage ko direkta yung seller (tita nila kasi lagi kausap ko eh mga pinsan ko). Nag seen lang at wala pa reply. Minessage ko kasi baka sabihin nila sa tita nila ako talaga ang umatras without telling her na may pinapabayaran pa sila sa akin.. Tama ba ginawa ko? Next month, mag uusap kami ng owner talaga. Ano pa po ma addvise nyo sa akin.? 1st ko bumili ng property at para sana sa family ko yun. Sobrang hirap ang inabot ko para lang maipon yung pera na yun 😭#advicepls

1 Replies

Here. Although hindi pader pero about sa pagpapatayo ng walang pahintulot. Sana makatulong

salamat po. malaking tulong yan 😍

Trending na Tanong