Preselling house or Pasalo House
May plan ako bumili ng property kahit maliit lang for investment sana, kesa matulog pera ko sa bangko. Gusto ko sa Antipolo bumili ng property. Hindi po ganun kalaki savings ko, pero gusto ko na iinvest para kahit papano may nasisimulan na ako. Eto po iniisip ko. A. Kumuha ng preselling house and lot. Malayo sya sa antipolo proper at eto ang nakikita ko na pinakamababa na price kasi medyo malayo sya talaga, at gagawin pa lang ang bahay. pero iniisip ko, eventually madedevelop din ang lugar at ako ang first owner. B. Kumuha ng pasalo house and lot. Marami ako nakikita na within antipolo city proper or mas malapit sa bayan.. Yari na ang bahay. Iniisip ko, gamitin yung pera pang down tapos, paayos ko at paupahan. Tapos dun ko kukunin sa upa yung pambayad sa monthly amortization. Kaso, may nababasa ako na masakit daw sa ulo ang pasalo? Madami process, at minsan sagot pa ni buyer ang iba pang expenses to transfer the title? Ano po insights nyo? Pa advice naman po ano ba mas better? Gusto ko sana gamitin yung pera ko sa tama at hindi ako magsisisi in the end. Note: bumili po kasi ako ng 100sqm na lupa sa kamaganak ko at isa sa maling desisyon na nagawa ko. Ang dami pa palang gastos. Walang title yung lupa, ako pa magpapa survey at lahat ng gastos na di naman ako nainform. Gusto ko sana ibenta sa kanila yung lupa kaso, ayaw nila ibalik buong pera ko. May bawas na daw.. kaya, isa pa yun asikasuhin ko.