Dr.Richard Mata-Pediatrician

Bago ko sasagutin, paalala ko muna na BREASTMILK IS BEST FOR BABIES hanggang 2 years old. Maraming nalilito kung pwede bang painumin ng tubig ang baby na less than 6 months old. May mga nagsasabing pwede at meron ding bawal. Kung sinabi naming mga Doctor na pwedeng uminum ng tubig ang ibig po sabihin namin ay napakakonte lang at pwedeng ring wala. Sabi pa ng mga pilosopo, "kung bawal ang tubig Doc anong ihahalo namin sa powdered milk, coke?" Ganito yun, ang baby na 0 to 6 months old ang sinasabing wag munang mag plain water pero pwede syempre gamitin ang water pang mix sa powdered milk. Ang tubig na nilalaman ng breastmilk o ng formula milk ay sapat na para kailangan ng baby. Hindi po sya madedehydrate kahit hindi sya umiinom ng plain water. Ang danger kasi sa plain water ay yung possibilidad na ma-under nourish o yung makukulang sa sustansya, lalo na kung makukulang sa electrolytes. Ang electrolytes gaya ng sodium at potassium ay wala sa tubig kaya kapag napadami ang tubig pwedeng biglang magkaroon ng sudden deficit nito sa baby at pwedeng biglang peligro sa baby kahit malusog syang tingnan. Ang katawan kasi ng baby ay maliit lang kaya ang konteng plain water para sa atin ay para sa kanila ay marami na yun. Kaya mas mainam na ang bawat iniinum ng baby ay may sustansya. Di rin sila mabilis tumunaw ng gatas na iniinum nila, kaya kung hinabulan mo pa ng inum ng tubig ay pwedeng maging malabnaw na sa loob ng tyan nya at mas mahihirapan syang i-absorb ang dapat na sustansya. Kaya bawal rin na gawin mong malabnaw ang formula na hindi ayun sa nakasulat sa likod ng lata. Pero pwede naman na basain ang malinis na lampin ng tubig kung gusto niyong linisin ang dila at gums ng baby. Kapag ang baby ay 6 months na pataas, lalo na't kumakain na sya ng solid food ay pwede na syang uminum ng plain water na rin. Dr. Richard Mata Pediatrician Like and Share Para sa dagdag pa pong tips pambata please like @Dr. Richard Mata. #babytubigRM

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles