May G6PD po ang anak ko! G6PD Decifiency or Glucose-6-Phosphate dehydrogenase Deficiency ang full name. Nakikita po ito sa Newborn Screening. Madaming pumupunta sa clinic na worried dahil daw may G6PD ang anak nila. Kasama pa ang lolo at lola. Gusto nilang malaman kung ano ang kahihinatnan ng apo nila. Ang dami raw kasing bawal na pagkain at mga gamot. Baka raw kasi mapalagay sa peligro ang bata kapag na expose sila sa bawal. Bawal raw ang soy sauce! Bawal raw ang Dingdong na snack! Bawal raw ang beans! Bawal raw soya at marami pang iba! Yung iba may narinig pa raw na baka raw mapunta sa pagiging retarded o yung mahina ang pagiisip o baka raw sa Leukemia kaya umiiyak sa kaba ang pamilya. "Ganito yun Daddy and Mommy, Lolo at Lola" ang sabi ko sa kanila. "Wag muna kayong magpanic!" "Number one po hindi napupunta ang G6PD sa Leukemia. Ang leukemia ay cancer. Walang kuneksyon ang G6PD sa cancer. ". Hindi rin napupunta sa retarded. Yung nasa poster ng newborn screening kasi na bata na mukhang delayed ang pagtubo ay hindi po yun G6PD, iba po yun na sakit. Ang G6PD po ay matagal ng nasa mundo. Kahit panahon pa ni Lapulapu at Magelan andito na po ito. Hindi po ito bagong sakit. Napapasa po ito sa lahi. Pero ngayong lang itong may test na naimbento kaya parang biglang dumami ang positive. Ibig ko sabihin, malaking tsansa na kayong mga magulang at lolo at lola ay may G6PD. Marahil ako rin ay mayroon kaya lang di natin alam dahil wala tayong test noon. Dati wala namang pinagbawal sa atin at sa mga kinanu-nunuan natin, eh wala naman mga narinig tayong nagka-anemic nalang bigla at G6PD ang diagnosis. May narinig na ba kayo sa lahi niyo na kapag sumawsaw ng ulam sa toyo ay naadmit dahil nagiging anemic? Iba po yung kailangan lang ng vitamins na Iron ha. Hindi po yun sila anemic dahil sa G6PD. Anemic lang yun na natural kaya binibigyan ng Iron. To be honest wala pa po akong nasalinan ng dugo na dahil sa G6PD sa tagal ko na pagiging Doctor. Ibig ko sabihin medyo bihira talaga ang nagkakaroon ng simtomas na Pilipino. Likas na matibay ang lahing Pinoy, bigay yan ng Diyos sa atin. Ngayon hindi ko rin sinasabi na baliwalain natin ang mga payo patungkol sa mga bawal ng G6PD. Ang ibig ko lang sabihin ay wag nating ibrand ang batang may G6PD na weak or masakitin. Kung baga po, hindi lang po tayo kumukuha ng explaination sa libro kundi po sa practical na obserbasyon sa buhay o sa history. Kung sasabihin nyong meron talagang naadmit na may G6PD sa lahi niyo dahil kumain ng beans o sumawsaw ng soy sauce at biglang na-anemic ay ibang usapan na yan. Pero kung wala naman, relax lang, kasing normal niyo yung anak niyo. Ang pinakabawal ay yun paring binabawal ko sa lahat ng mga bata, kahit may G6PD man o wala. 1. Bawal ang magspray ng insecticide na may baby. 2. Bawal ang bumili ng antibiotic na walang pahintulot sa Doctor. 3. Bawal ang junk foods. 4. Bawal ang moth balls. 5. Sa gatas syempre breastfeeding is best. Avoid nalang sa soya milk. Cow's milk nalang if wala ng breastmilk. 6. About sa pagkain naman, avoid lang sa fava beans. Eat healthy lang din po. Bawal ang sobra. Paminsan minsang sawsaw sa soy sauce ok lang. 7. Bawal ma expose sa mga toxic na chemical. Bottomline, para sa akin ang batang may G6PD ay normal na bata. Kung tumanda ang lahi niyo dati at walang nangyari kahit walang mga bawal, ano nalang si baby? Lalo't na't meron ng mga healthy advise. Addition: hindi niyo rin po pwedeng sabihin na madali lang ubuhin o siponin ang anak niyo dahil may G6PD siya. Wala pong kuneksyon. Note: ang payo po na nabasa niyo ay ang aking personal at practical na payo. Kung gusto niyo pa pong maiintindihan ng malalim ang G6PD may link po akong nilagay sa comment area. Dr. Richard Mata Pediatrician Like and Share Para sa dagdag pa pong tips please like @Dr. Richard Mata. #drmatag6pd
Read moreBago ko sasagutin, paalala ko muna na BREASTMILK IS BEST FOR BABIES hanggang 2 years old. Maraming nalilito kung pwede bang painumin ng tubig ang baby na less than 6 months old. May mga nagsasabing pwede at meron ding bawal. Kung sinabi naming mga Doctor na pwedeng uminum ng tubig ang ibig po sabihin namin ay napakakonte lang at pwedeng ring wala. Sabi pa ng mga pilosopo, "kung bawal ang tubig Doc anong ihahalo namin sa powdered milk, coke?" Ganito yun, ang baby na 0 to 6 months old ang sinasabing wag munang mag plain water pero pwede syempre gamitin ang water pang mix sa powdered milk. Ang tubig na nilalaman ng breastmilk o ng formula milk ay sapat na para kailangan ng baby. Hindi po sya madedehydrate kahit hindi sya umiinom ng plain water. Ang danger kasi sa plain water ay yung possibilidad na ma-under nourish o yung makukulang sa sustansya, lalo na kung makukulang sa electrolytes. Ang electrolytes gaya ng sodium at potassium ay wala sa tubig kaya kapag napadami ang tubig pwedeng biglang magkaroon ng sudden deficit nito sa baby at pwedeng biglang peligro sa baby kahit malusog syang tingnan. Ang katawan kasi ng baby ay maliit lang kaya ang konteng plain water para sa atin ay para sa kanila ay marami na yun. Kaya mas mainam na ang bawat iniinum ng baby ay may sustansya. Di rin sila mabilis tumunaw ng gatas na iniinum nila, kaya kung hinabulan mo pa ng inum ng tubig ay pwedeng maging malabnaw na sa loob ng tyan nya at mas mahihirapan syang i-absorb ang dapat na sustansya. Kaya bawal rin na gawin mong malabnaw ang formula na hindi ayun sa nakasulat sa likod ng lata. Pero pwede naman na basain ang malinis na lampin ng tubig kung gusto niyong linisin ang dila at gums ng baby. Kapag ang baby ay 6 months na pataas, lalo na't kumakain na sya ng solid food ay pwede na syang uminum ng plain water na rin. Dr. Richard Mata Pediatrician Like and Share Para sa dagdag pa pong tips pambata please like @Dr. Richard Mata. #babytubigRM
Read more