Unwanted Pregnancy.

Hi, bago kayo magalit sakin. Ndi sa pinipilit kong tanggapin yung baby ko, Blessed ako na may baby nako. Magulo ba? Basta di ko maintindihan yung pakiramdam ko. Para nakong nababaliw. Ayoko maramdaman ni baby na ayaw ko. Sa knya, natatakot at napapagod lang kasi ako ? sobrang takot ako manganak, sa totoo lang. At feeling ko, di pa ko handa maging mommy ? pero love ko to si baby. Minsan nga lang naiinis ako na natatakot na di mo maintindihan, advice naman jan. Down na down nako ?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you. I'm 25 na at first time mom din. Nung una kong nalaman na buntis ako ay 11 weeks na ko, sobrang nadown ako sis. Please don't judge. Naawa kasi ako para sa baby ko. Walang stable na trabaho ang boyfriend ko, nasa stage pa kami na muntik na kami maghiwalay. Hindi ako employed. Hindi rin ako gaano kumikita sa freelance work ko. Kung kumita man, pangsarili lang talaga. Una ko naisip, pano ang mga gastusin para sa pangangailan ng bata? Mga ganung bagay. Likas kasi ako na pessimistic. Pero alam mo yung bagay na narealized ko? Okay lang na mawala yung boyfriend ko. Kasi may baby na ko. Sa kanya ko ibubuhos yung pagmamahal ko. Na si baby na ang buhay ko ngayon. Through prayer and faith sis, okay naman ngayon. Di naman kami natuluyang magkahiwalay ni boyfie. Sobrang supportive niya at lalong naging sweet. Haha. Think positive lang. Magiging okay din ang lahat. Nakaya ko nga kahit puro trials e. Ikaw din syempre. 😊

Magbasa pa