UTI

Bago ako mabuntis may UTI na ako and then ngayon yun pa rin ang problem ko .Binigyan ako ng resita ng OB ko pero natatakot p rin akong uminom ng gamot .Home remedy lang sana gusto kong gawin para iwas gamot ??

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kailangan mo inumin yun mamsh, may mga antobiotic naman na wala masamang epekto sa baby. Kung pabalik balik, kelangan mo ng matinong gamot. Aantayin mo pa ba lumala yan bago ka makinig sa doctor na nag aral ng medisina? Ipagpapalit mo ba ang safety nyo ng anak mo para sa home remedy na walang kasiguraduhan?

Magbasa pa

kung ayaw mo inumin reseta nya gawin mo nalang magbuko ka first thing in the morning as in wala pa nakakain. un lang ginawa ko. tapos water therapy. nagiging ok naman results ng urinalysis ko. pero ok din naman ung cefalexin na nirereseta nila. un mostly para sa mga buntis na may uti e

Inumin mu lng ung gamot sis kasi recommended by ur OB nman ei. Nagka uti din aku during my 1st tri then after taking med.nawala sya taz sinabayan ku ng water therapy at buko juice..Thanks God no more signs of UTI til now. 38weeks preggy here😊

VIP Member

Sabi sakin ng oby ko kailangan daw talaga magamot ang uti habang buntis lalo na yung mga nasa 1st to second trimester palang kasi ang ginagawa daw ng uti is binubutas nila yung panubigan dahilan para mag preterm labor.

Inumin mo na mommy trust your ob tApos more water at buko juice na fresh, pag nawala na mommy maging mas careful na sa mga kakainin at iinumin. God bless

Mas ok momsh sundin mo ang resita ng ob mo. Kasi magkakaron ng effect sa baby mo pag may uti ka pa rin. Tapos more water in take na lang din.

trust ur ob po.. wige ko din nag ka uti.. almost 2 weeks bago nwala.. mag cocontract at titigas po ksi tyan nio pag my UTI

Yan din po ang problema ko ngaun 7 weeks pregnant n po ako at hirap ko inumin yong gmot na resita no OB ko

Sundin mo na lang po. Alam po nya ang gagawin. At baka mas mabisa pa po ang gamot na nireseta nya sayo.

Kailangan mong inumin yun bigay ni OB, mommy. Sabayan mo nalang ng madaming water and buko juice :)