Back in 2014, yung HS classmate kong itago natin sa pangalang Jay chatted me sa FB. Naglabas siya ng sama ng loob tungkol sa asawa niya (single pa ako nun) at gusto raw niya ng makakausap ng personal. Dahil close naman kami, I did not mind seeing him. Kaso we both got drunk, and ended up having sex. It only happened once, pero nakipagflirt pa rin ako sa kanya through chat na lang that lasted for a year (2015) kasi sabi niya hiwalay na sila. Nung na-realize kong mali pa rin yun kasi technically may asawa pa rin sya, I stopped all communications.
Kaso nalaman na ng asawa nya yung nangyari ngayon lang. Kaya gustong gumanti nung babae. Nagcomment sya ng kung anu-ano sa mga FB posts ko at ng asawa ko. Chinachat din nya mga kapatid ko. Ngayon, nalaman kong nagpost din sya sa FB nya, nilagay nya buong name ko and she is calling me "pokpok" and "malandi".
Humingi na ako ng tawad sa girl through chat pero hindi pa rin sya tumitigil, considering na sobrang tagal na nun.
Sobrang naiistress na ko sa mga nagaganap. Pwede ko ba siyang sampahan ng kaso sa pagsira ng reputasyon ko sa mga kakilala namin? Pwede kaya yung libel?
Pwede rin ba niya akong sampahan ng kaso kahit matagal ng tapos yung nangyari?
Anonymous