Need help

Back in 2014, yung HS classmate kong itago natin sa pangalang Jay chatted me sa FB. Naglabas siya ng sama ng loob tungkol sa asawa niya (single pa ako nun) at gusto raw niya ng makakausap ng personal. Dahil close naman kami, I did not mind seeing him. Kaso we both got drunk, and ended up having sex. It only happened once, pero nakipagflirt pa rin ako sa kanya through chat na lang that lasted for a year (2015) kasi sabi niya hiwalay na sila. Nung na-realize kong mali pa rin yun kasi technically may asawa pa rin sya, I stopped all communications. Kaso nalaman na ng asawa nya yung nangyari ngayon lang. Kaya gustong gumanti nung babae. Nagcomment sya ng kung anu-ano sa mga FB posts ko at ng asawa ko. Chinachat din nya mga kapatid ko. Ngayon, nalaman kong nagpost din sya sa FB nya, nilagay nya buong name ko and she is calling me "pokpok" and "malandi". Humingi na ako ng tawad sa girl through chat pero hindi pa rin sya tumitigil, considering na sobrang tagal na nun. Sobrang naiistress na ko sa mga nagaganap. Pwede ko ba siyang sampahan ng kaso sa pagsira ng reputasyon ko sa mga kakilala namin? Pwede kaya yung libel? Pwede rin ba niya akong sampahan ng kaso kahit matagal ng tapos yung nangyari?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung kasal yung lalaki at may proof siya well, sibak ka. Ang may fault diyan yung lalaki kasi di mo naman alam na may asawa siya or hiwalay tlaga. Yung pag sabi niya sayo ng pokpok or malandi sa fb dapat may proof karin, screenshot or pic na patunay na sinisiraan ka niya para masibak mo siya sa Anti cyber crime. Pero kung hindi kasal at bf gf lang naman well tatawanan mo lang kasi wala silang maisasampa sayo hahaha dun lang sa babae kasi sa pag post niya ng ganun.

Magbasa pa
5y ago

Nag-consult na po ako sa lawyer. Ang sabi po, kasuhan ko raw po ng Cybercrime yung girl. Mas malakas po kasi ang laban ko kasi di naman daw po tinatanggap na ebidensya ang mga chat messages sa korte. Ang pwede nya pong kasuhan lang ang iyong asawa nya ng concubinage, kaso malabo po nyang maipanalo yun dahil hinihiling sa batas na dapat ay naaktuhan niyang nakikipagtalik ang asawa nya o kaya ay ibinahay na ng asawa niya yung babae o kaya ay ipanakilala na niyang asawa yung babae para maituring na may kabit ang asawa niya. If ever lumusot po yung kaso niya, hindi po maapektuhan ang babae. Ang pwede lang pong mangyari ay hatulan sya ng destierra (pagbawalin syang lumapit sa pamilya ng lalaki at sa lalaki mismo).

Ayan landi kasi eehh. Kulong ka pag nagkaso yung asawang babae, kasal pala eh.