TO MY BABY'S FATHER,

To my baby's father, You missed out on her first kick. You missed out a soon-to-be kid. Alam kong lahat ng 'yun mami-miss mo. 'Yung binyag niya, mga birthdays niya, graduations niya, 'yung first dates niya, at syempre ‘yung paglaki niya. Hindi mo makikita kung paano siya lalaking isang mabuting tao na malayo sa’yo. Hindi ko siya tuturuang kamuhian ka. Kapag tinanong niya kung nasaan ka, sasabihin kong ipinadala ka sa Iraq at namatay para lumaban sa gyera. Nang sa ganoon ay isipin niyang namatay ka para sa bayan, kahit ang totoo ay isa kang duwag dahil hindi mo kami nagawang panindigan. Hahayaan ko kung ano ang isipin niya tungkol sa’yo. Hindi ko siya tuturuang magtanim ng galit at sama ng loob sa kahit na sino lalong-lalo na sa’yo. Hindi ko ipapaalam sa kanya kung gaano kaduwag ang ama niya dahil hindi mo kami nagawang ipagtanggol sa iba. Hindi ko sasabihin sa kanya na hindi mo kami pinili. Hahayaan kong panahon na lang ang magsabi sa kanya na ‘yung pagiging ama mo sa kanya ay hindi mo kinaya. Ngayon pa lang proud na ‘ko sa kanya dahil sa kabila ng stress na dinala mo sa buhay naming dalawa ay nandiyan pa rin siya at hindi bumibitaw. Buti pa siya, never inisip na umayaw. May alinlangan ako noong una, pero nang maramdaman ko ang pagmamahal ng aking pamilya at kaibigan para sa kanya ay naisip ko na hayaan ka na lang. Hindi ka kawalan dahil marami kaming magmamahal sa kanya. Minsan napupuyat ako sa pag-iisip, nakakaramdam ka rin kaya ng guilt? Hindi ako galit sa’yo. Thankful pa nga ako dahil binigyan mo ‘ko ng isang anghel sa buhay ko. Pero nawala ang respeto na dapat sana meron ako para sa’yo. ‘Wag mong ituring ang sarili mo na tunay na lalaki, dahil ng tunay na lalaki ay hindi iiwan ang kanyang anak para lang sa iba. Hindi niya hahayaang mamulat ang kanyang anak na walang kumpletong pamilya sa kadahilanang naghanap ka ng iba na kanyang kakaharapin habangbuhay. Sayang. Masarap maging magulang pero hindi mo man lang sinubukan. Tinanggihan mo ang pinakamasayang responsibilidad sa buhay mo, ang maging tatay ng isang anghel na ‘to. Alam kong sa t’wing darating ang Father’s Day ay mahihirapan siya dahil wala siyang babatiing ama. Pero sigurado naman ako na maraming tatayong ama lalo na ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. Tatay ko, kapatid ko, kaibigan ko at lahat ng taong kabaligtaran ng pagkatao mo. Wala nang puwang sa’kin ang manisi sa pang-iiwan mo. I don’t see it as anything that I did wrong. You were simply a coward who didn’t have the courage to stick out during tough times. Oo, mahirap ang mga bagay bagay sa simula, ngunit habang tumatagal ay unti-unti ko itong naitatama. Palalakihin ko ang ating anak na mabuting tao dahil ipinakita mo sa’kin ang mga bagay na hindi niya dapat taglayin at gayahin upang maging isang tulad mo. Tinigilan ko na ang pagiging malungkot nang dahil sa’yo dahil hindi mo pala talaga deserve ang mga luha ko. Para ko na rin sinabing nanalo ka kapag umiiyak ako. Sinusubukan kong ilagay ang sarili ko sa kinalalagyan mo noon. Inisip ko na lang na hindi mo kayang maging responsable at naipit ka sa mga pangyayari pero kahit gaano ko kagustong intindihin ka, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nang-iwan ka ng ganoon na lang. Sana kung darating ang araw na magkakapamilya ka, ‘wag mo na ‘tong gagawin sa kanila. Mahirap lalo na sa bata ang lumaking walang kinagisnang ama. Mahirap para sa ina niya ang magpalaki ng bata nang mag-isa. Hindi mo man deserve ang saya sa pagkakaroon ng masayang pamilya, hindi rin namin deserve ng anak mo ‘yung sakit nang iwan mo ‘kong mag-isa habang pinapalaki ko siya. Hindi madaling maging ina at ama. Pero gagawin ko lahat at alam ko isang araw, makikita ng anak ko lahat ng paghihirap ko sa pagpapalaki sa kanya ng solo. Sana kapag naalala mo ‘yung mga panahong hindi mo kami pinili, ma-realize mo na kahit gaano kasakit ang ginawa mo ay naging malakas ako at kinaya ko ‘yon hanggang dulo. Salamat dahil tinuruan mo akong maging matapang kahit wala akong inaasahang tulong galing sa’yo ngayon. Salamat sa anghel na sasamahan ako hanggang dulo. Ako ‘to... Ang nanay ng anak mo na nangangakong hindi siya lalaking duwag na gaya mo. ctto. Angel kit Villaflor

TO MY BABY'S FATHER,
47 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ko nararanasan yang sapatos na suot mo, dahil well loved ako sa husband ko. pero, PROUD ako sayo dahil KINAKAYA mo. Godbless you and your baby. Stay strong always. Salute.

4y ago

salamat po