Grieving
My baby died after birth. She only lived for almost 7 hours. Ni hindi ko manlang siya nakita at nayakap habang buhay pa siya. I'm still in grief right now, I have gone through CS. Imagine the struggle to heal emotionally and physically. Now, mas nagpapabigat pa ng loob ko is yung mom ng partner ko. Hindi makapag stay sa tabi ko si partner kasi iniisip niya rin mom niya, mag isa lang sa bahay nila at nalulungkot. Tho, todo asikaso at comfort naman sakin si partner, he's doing his best at nakikita ko yun. Naaawa na nga ako sa kanya kasi di nya na alam paano hahatiin katawan niya saming dalawa ng mom niya. Now, umuwi sya sa kanila at humiling na baka pwede na dun muna sya kasi umiiyak daw mom niya, nalulungkot kasi mag isa lang daw siya. Medyo nakaramdam ako ng sama ng loob, kasi kung tutuusin, naka paternity leave yung partner ko, at kaming dalawa dapat ang magkasama ngayon kahit nawala yung anak namin. Kami dapat ang magkasamang nagluluksa. Ngayon, di sya makaalis sa kanila kasi he has to comfort his mom. Sa isip isip ko, mom niya ba ang nawalan? Bakit di maintindihan ng pamilya niya na di rin madali yung pinagdadaanan namin? Is it just the fact na di nya ma-let go yung unico iho niya? Kahit manlang sana matapos yung paternity leave niya, pagbigyan manlang sana kami ng time together para magluksa at tulungan ako mag heal. :( I dont know, di ko na alam dapat kong maramdaman. :(