4 Replies

28weeks na ko, FTM. Hindi ganun kalaki bump ko pero kapag nkatihaya ramdam ko ang bigat ni baby (a month ago 24weeks nasa 800grams na siya, so baka nasa 1kg na sya ngayon nextweek pa check up ko). Sabi ng Ob ko ok nmn po talagat kahit anong position basta't time to time mgpapalit po talaga hindi po maganda nasa isang side lage. Hindi masyado recommended nkatihaya esp 3rd trimester kasi aside in your case acid reflux, naiipit di po kasi ni baby ang malakaing ugat sa likod ng matres that may lead to pamamanas dahil nahihirapan yung ugat at blood flow.

Same tayo ako 32yrs old first baby din baby boy sakin 29weeks and 2days nako ganyan din ako mas sanay ako sa kanan side pero un nga dahil kailangan khit nangangawit ndin ako at sumasakit ung tagiliran pg ilang oras na nakakabaling din ako sa kanan pero saglit lng pg ok na ulit left side nako ulit kc need natin un pra kay baby. Makakaraos din tayo july din ako manganganak mga july 23 ang edd ko..

normal lang po hirap sa pagtulog. July first week edd ko. mas komportable din ako matulog ng nakaupo sa kama, nagialagay lang ako tatlong unan sa likod kasi parang nabalik din kinain ko. kaya uupo muna ako hanggang ganon na ako makatulog dahil matagal bumaba ang kinain ko. pero hndi palagi. mas madalas padin ba nakahiga ako matulog at left side. tiis lang po talaga na nakakangalay

Ganun din po ako. Sobrang sakit sa ribs pag ilang oras nang tulog na nakaside. Mas maganda po na mas mataas ang unan para ung weight d ganun mapunta sa ribs

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles