Ayoko nang makita ang inlaws ko, di ko na sila gusto makasama kahit gusto nila makita ang apo nila. More than 3 years ko nang pinagbibigyan ang family ng husband ko sa lahat ng kagustuhan nila. Everytime nakikipagkita or pumupunta kami sa kanila, palaging invalidated ang feelings ko as a mom and wife. Nasisira ang mental health ko tuwing nakikipagkita kami dahil masyadong taklesa ang bibig nila. Bilang respeto, pinipili kong manahimik na lang eventhough gusto ko sumagot para i-clear ang sarili ko at bigyan sila ng boundaries sa asal nila sa sarili kong pamilya.
Last year, naubos na ako. I blocked them sa social medias ko. I cut them off. Di ko deserve maging palamuti sa sarili kong pamilya na di nila kaya i-respeto. Sa sobrang respeto ko, masyadong maraming isipin ang binibigay nila sa akin na nauuwi na sa su*cid*l thoughts. My mental health is important too because I have a toddler na umaasa sa love and care ko sa araw araw. I'm stay at home mom.
This year, my priority is inner peace. Mas pipiliin ko na lang talikuran sila, matuto magsabi "NO" at magbigay ng boundaries sa mga taong nagkacause ng hindi mabuti. I still respect them but I have too choose myself this time. Maybe, dadating sa isipan nila na inconsiderate ako because family pa din sila ng husband at anak ko.