Aug1 ng madaling araw around 130am, nagising si lo at routine na yung dedede sya tas balik tulog ulit, pero pagdampi ko pa lang sa kanya sobrang init nya kaya kinunan ko agad ng temperature, 38.4 ang taas po kaya ginising ko si hubby at sinabi sa kanya. Nagwoworry na ako talaga nun kasi mataas yung lagnat pinaka ayaw ko yung magconvulsion sya kaya pinunasan namin, binilhan din sya ni hubby ng koolfever para bumaba lagnat nya at pinainom namin ng tempra. But after all we did, his temperature remains high, my hubby suggested na pacheckup kami pagsikat ng araw but I cant stand seeing my son suffering from high fever, nakakapraning baka may dengue or what sya so we rushed to the hospital immediately. Ang pagpunta sa public ospital ang isa sa pinaka pinagsisihan ko kasi mas lalong pinahirapan si baby, sa receiving area pa lang pagkatapos kunan si lo ng temp which is 38.6, sabi ng nurse paliguan daw namin sa cr para bumaba, yung paligo talaga na wala daw damit, sinunod lang namin yung sabi kahit talagang sobrang bigat sa dibdib kasi sobrang dumi ng cr may mga left residues ng pasyente tas walang takip yung basurahan, pumalahaw pa ng iyak si lo ko kasi sobrang lamig, talagang nakakadurog ng puso, pagbalik namin ng receiving area hindi bumaba yung temp kundi mas tumaas pa naging 38.9, kailangan pang antayin yung nurse kasi paalis alis sa pwesto. Pagbalik ng nurse, sabi paliguan daw ulit namin si baby kasi di bumaba yung temp siguraduhin daw namin na pati singit mabasa paulit-ulit daw na paliguan hanggang sa bumaba, syempre kami na magulang sobrang naawa kay baby pero walang magawa kundi sumunod, groggy na ang hitsura ng baby ko at naiinis narin ako kasi di naman nila inaasikaso si baby knowing na 5mos. pa lang, pati mga kasabayan namin sa corner na yun naawa na, ako naiiyak na sa awa sa hitsura ng anak ko, dumating yung nurse at dahil di talaga bumababa temp ni baby sinabi kung okay lang daw ba na ipapasok namin si baby sa patients ward, sari-sari daw ang sakit don, wala daw kasi silang para sa mga baby at walang bakanteng private ward, may mga cases pa nga raw na pumapasok yung bata ng walang pulmonya paglabas may pulmonya na, syempre sino bang papayag don kaya sabi namin lilipat na lang kami ng ospital. Doon kami dumeretso sa private which is sa Alabang Med, doon nacheck nila agad si baby, may pwesto ng maayos, ginamot ng maayos at sinabi samin detalye ng maaring sanhi ng sakit ni baby. Ibang-iba sa ginawa sa public hospital. Kaya mga mommy, learn from my experience na lang. Wag sa public hospital pag may emergency cases mahirap na. Nakakatrauma.
MJ Perante Orguino