At most po parang naprapraning ako based on my research i am having post partum depression.....minsan naiisip ko na magpakamatay.... Need ur help how to overcome this natatakot na kasi ako di na ako nakakatulog

Hugs, mommy. Meron talagang mga ibang mommies na nararanasan ang postpartum depression. Ang importante ay kausapin mo ang mga loved ones mo, especially si hubby, para maintindihan at malaman kung ano ang nangyayari sa iyo. Dapat wag mong itago lang sa loob mo. Lalo na kung hind ka makakilos ng maayos, na ayaw mong bumangon, ayaw mong alagaan si baby, ayaw mong kumain, maligo, at kung ano pa - kailangan ilabas ang mga nasa isipan at looban. Baka kailangan mo ring pumunta sa isang therapist. Kasi kung hindi rin maintindihan ni hubby ang nangyayari sa yo, then ang isang professional ang makaka-explain ng mabuti at makapag-bibigay ng payo kung anong dapat mong gawin para gumaling. Kung nakatira ka sa QC, merong therapy center sa Cubao called PsychConsult. Puwede kang mag-inquire doon. Alagaan mo sarili mo, mommy, para maalagan mo rin ang pamilya mo.
Magbasa pa