Stress kung san manganganak! Advice pls

@37 weeks di pa rin po sure kung san manganganak, First option ko po kasi sa lying in kaso hepa b reactive po pala ako kaya nirecommend na sa hospital ako manganak, Nung lumipat naman po ako ng hospital , a week after nagsara yung OPD dahil sa virus, puno na yung mga rooms bukod pa dun masusungit ang mga nurse at yung mga bantay hindi pinapapasok sa labas ng hospital natutulog, gusto ko po maranasan na katabi si hubby pagtapos ko manganak :( May nakita po ako sa fb sa qc naman po clinic 40k ang package , ayaw naman nila lalo na yung hubby ko kasi malayo raw at magastos tga alabang pa po kami . Hindi daw po ako nagiisip at maging praktikal daw po ako Pagtyagaan ko daw po yung hospital dto kahit ayoko talaga dun kasi ranas ko na po manganak dun . Nakakastress po

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Dito sa amin, nagsulputan ang lying inn. Dati, sa hospital ko gusto manganak sa pang 3rd na baby ko, pero thankful ako sa lying inn na kung saan ko niluwal si Baby 3. Sobrang mahalaga yung mga test para maging safe ang Mommy, baby at medical practitioner na hahawak sa iyo. Need ng covid test result. Sobrang blessed lang na simula nag labor ako, nailabas si baby at nilinis ako ni midwife, katabi ko lang si hubby. Wala na po bang ways para maiaayos yung condition niyo sa hepa B?

Magbasa pa