Stress kung san manganganak! Advice pls

@37 weeks di pa rin po sure kung san manganganak, First option ko po kasi sa lying in kaso hepa b reactive po pala ako kaya nirecommend na sa hospital ako manganak, Nung lumipat naman po ako ng hospital , a week after nagsara yung OPD dahil sa virus, puno na yung mga rooms bukod pa dun masusungit ang mga nurse at yung mga bantay hindi pinapapasok sa labas ng hospital natutulog, gusto ko po maranasan na katabi si hubby pagtapos ko manganak :( May nakita po ako sa fb sa qc naman po clinic 40k ang package , ayaw naman nila lalo na yung hubby ko kasi malayo raw at magastos tga alabang pa po kami . Hindi daw po ako nagiisip at maging praktikal daw po ako Pagtyagaan ko daw po yung hospital dto kahit ayoko talaga dun kasi ranas ko na po manganak dun . Nakakastress po

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Jusko yung lying in na pinag checheck upan ko from the start I ask them kung magkano aabutin gastos/Magkano package nila para mapaghandaan namin sabi range 18k-20k may Philhealth na.. so ayun tuloy tuloy ang check up hanggang mag 8mos. na si baby sa tummy ko tapos after nun mababalitaan ko nalang na di na sila nag accept ng Philhealth cash basis lang daw muna sila kasi di daw sila binabayaran ng Philhealth ganurn. So ang ate mo nastress nanaman kung saan manganganak kasi malapit na days nalang pwde na ako manganak eh tapos yung pang ospital ko naman kulang na kulang hahaha. So pumunta ako public Ospital dito sa antipolo di naman sila natanggap ng walang record tska same lang din sa ibang hospital kapag nanganak ka dun wala ka din kasama kailangan din mag Swab test bago makapasok pero may limit yung oras.. sa private ospital naman jusko day range ng ospital dito 60k-80k ang maternity package may Philhealth pa yun. Then may nakapag sabi saakin dito daw sa taytay rizal may paanakan tapos mura lang 2,500 to 5k lang ata dun may Philhealth na kaya lang di ako tinanggap kasi mataas daw blood sugar ko hahahaha so hanap nanaman ako ng ibang lying in na tatanggap saakin. Hanggang napadpad ako sa Midwife lying in dito sa antipolo. Tinanggap nila ako di ko na binigay yung lab ko sa dugo tanggapin nila ako takot din naman ako mapahamak ang ginawa ko nag diet ako nag ttest pa din ako ng dugo ko so far mababa naman kaya malakas loob ko.. hahaha so ayun gumastos lang ako ng 10k sa midwife hahaha nakahinga ng maluwag..

Magbasa pa