10 Replies
Ako 🖐️ @6months ni baby girl#1, kinutuban akong buntis ako. Nagpunta ako sa OBGyne ko, kaso wala siya so yung reliever niya ang nandun. Dun kami nag-PT tsaka Urinalysis. Positive. Sabi nung doctor, bat ko daw sinundan agad. Sobrang gulat ako, di pa napprocess ng utak ko kahit nung paglabas ko ng clinic. Hanggang sa tinawagan ko mister ko. Anyway, eto na ako ngayon, 8months almost 9months na din ang tiyan. Okay naman. Though minsan humahapdi yung sa bandang tahi, okay naman. 4 na tahi daw ito sabi ng OBGyne ko, so safe naman. Pero di ako pwede i-VBAC, scheduled CS ako (one week before due date). Si baby#2 ay boy na. 1yr and 2months pagitan nila, kung aabot ako sa duedate ko. Tingin ko kapalaran ko na din siguro to. @34 yrs old pwede na din, happy na din ako, para kong may kambal hehe. Worried ako sa gastos at kailangan ko pa magresign dahil wala mag-aalaga sa kanila. Naiiwan kasi si baby#1 sa nanay ko, e ngayong 2 na sila, di na kaya ng nanay ko. Pasensya na at napahaba kwento ko. Goodluck!
Hi mumsh, I gave birth via CS din, I was advised by my OB na sundan ko after 5 years, so ayun after almost 8 years namen nasundan. 2months old na baby ko ngayon. Worried din ako kasi gusto ni hubby sundan pa, baka magkababy girl na daw 😉 though hindi pa kame nag do, sabi ni OB, natural contraceptive ang pure breastfeeding. Then after 6mos pwede na mag family plan na prefered ko, like IUD, injectable or pills. I was confident na after 3yrs ko pa masusundan pero reading your question and other mumshies' comments, parang need ko yung contraceptive asap 😐 kung anjan na yan mumsh, doble ingat nlang 😊 and always visit your OB para mamonitor closely..
9months pa lang 1st baby ko nasundan agad. alaga ako ng ob ko di nya ako pinag vits masyado para di lumaki baby ko. sched cs ako. now 2 weeks na po baby ko :) healthy nmn sya hirap lang mag alaga kasi magkasunod.
Hala momsh pacheck up ka lagi sa ob mo po. Alam ko bawal magbuntis agad pag Cs na. Dapat 3 yrs Ang pagitan para maghilom na Yung tahi
Mommy, best to consult your OB po talaga para matulungan kayo kasi medyo delikado yun. Ideally sa CS 2-3 years ang pagitan.
Hmm its kinda alarming..2years ang hilom ng tahi sa loob..sana naman wag bumuka.
Pa check up ka po regularly para ma monitor po ang pregnancy and tahi..
Mahirap po ba magbuntis ulit pag cs ka po??
paconsult na po kayo sa ob nyo.
go to your OB for best advice.