Niluluwa po ng 3 months old baby ko ang gamot

Hi ask ko lang po sainyo mga mommies dyan, ano po dapat gawin kasi yung 3 months old baby boy ko po pag pinapa inom ko sya ng gamot like tempra pag may lagnat sya niluluwa nya, nag lulungad sya ng milk. May sipon at ubo po kasi sya pero yung ubo nya po ay may plema. Hindi naman po sya ganito last time nung may ubo kaya na bbother na ako, hindi pa kami nakakapagpa check up ngayon kasi holy week pa, pa help naman po.

Niluluwa po ng 3 months old baby ko ang gamot
9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

try mo po konti konti lang momsh isang pisil tigil tapos pisil ulit sa dropper if dropper gamit mo. try mo mag cut ng onion mi tapos ipwesto mo ung malapit po sakanya pero wag sa maaabot niya ha. baka lang makahelp makaalis ng sipon and ubo niya. get well soon baby!

konti konti lang po ang painom mo sa knya para di nya isuka,total sa drops naman po..tigaan mo lang hanggang maubos..kasi isusuka nya yan pag bigla.

Sa gilid ng pisngi nya banda ilagay yung dropper. Pero mas effective ang syringe na walang karayom ang gamitin mo.

Hi mommy ginagawa ko po kay baby kapag umiinon siya ng gamot or vitamins lagay nyo po tsupon niya... for me effective po

sa first baby po namin dati, pagkapisil ng dropper ay medyo hinihipan po ng di kalakasan ang sa may bibig para malunok hehe

VIP Member

Hawakan mo po magkabilang pesnge together yung parang pabilog ang bibig para malunok ang gamot at di nya maluwa

sa pisngi sa may gilagid nyo po ilagay yung gamot. ung pinakalikod banda na kaya. wag abot sa lalamunan ah 😅

tyagaan lang talaga mi. pwede sa side ipadaan para di direct na malasahan.

VIP Member

yung ibang mommy po pinipisil ang ilong hanggang malunok ng baby ang gamot