SSS

Ask ko lang po, Nag request po ako ng PRN at nakabayad na din po ako same date po pero di pa din po napapalitan yung Coverage Status ko naka Employed pa din po dapat po Voluntary na. Di po ako makapagnotify ng maternity online kasi naka employed pa din po status ko. Pahelp naman po

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Same problem ko yan dati. Sablay talaga si SSS mag advise dahil sinasabi nila once posted na yung payment mo magbabago na status mo. Try to wait po mga 2-3 days. Pag di nagbago status nyo, punta po kayo ng SSS branch para sabihin sa kanila. Minsan kasi yung system nila napaka outdated kaya kahit PRN na yung binabayaran, nata-tag pa din as employed. Sakin no choice ako, bumalik ako sa branch at asar na asar ako dahil akala ko pwede na online (dahil yun ang inaadvise nila) pero ang ending eh nagfile ako ng MAT Notification sa mismong branch.

Magbasa pa