FTM, Breastmilk
Hi ask ko lang po mga mommy, paano po kapag hindi kapa makakapag bf kay baby after giving birth kasi wala ka pang milk ano gagawin nun anong meal ni baby? And ask ki lang po ano rin gagawin kapag ilan days ka ng wala milk ano po kakainin non ni baby🥺, magpapareseta na ba sa pedia nun ng formula milk? Thankyou po sa sasagot na papraning lang po hehe😥

pagkapanganak kay baby ko nun, pinaglatch na sya ni pedia sakin as in pagkalabas pa lang (tinatahi ako nun) hanggang nasa recovery room, naglalatch si baby. wala akong makitang milk nun sa nipples ko kahit naglalatch sya, pero may ihi at poop si baby. after 3days ng continue latching (strict ang SLMC sa formula at bottle feeding as in), dun na tumulo ng tumulo ang milk ko. according to our pedia pati kay OB ko + yung lactation consultant nun, normal na walang tutulo 1st 3days pero pag nagsuck si baby, may makukuha sya. kahit gapatak is enough sa days old newborn (1-3days old) dahil ga-kalamansi lang ang laki ng stomach nila. as long as may poop at wiwi, meaning may nadedede. si pedia rin ang magsasabi sa inyo if need mag formula feed kung talagang walang milk si mommy.
Magbasa pa

