FTM, Breastmilk

Hi ask ko lang po mga mommy, paano po kapag hindi kapa makakapag bf kay baby after giving birth kasi wala ka pang milk ano gagawin nun anong meal ni baby? And ask ki lang po ano rin gagawin kapag ilan days ka ng wala milk ano po kakainin non ni baby🥺, magpapareseta na ba sa pedia nun ng formula milk? Thankyou po sa sasagot na papraning lang po hehe😥

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pagkapanganak kay baby ko nun, pinaglatch na sya ni pedia sakin as in pagkalabas pa lang (tinatahi ako nun) hanggang nasa recovery room, naglalatch si baby. wala akong makitang milk nun sa nipples ko kahit naglalatch sya, pero may ihi at poop si baby. after 3days ng continue latching (strict ang SLMC sa formula at bottle feeding as in), dun na tumulo ng tumulo ang milk ko. according to our pedia pati kay OB ko + yung lactation consultant nun, normal na walang tutulo 1st 3days pero pag nagsuck si baby, may makukuha sya. kahit gapatak is enough sa days old newborn (1-3days old) dahil ga-kalamansi lang ang laki ng stomach nila. as long as may poop at wiwi, meaning may nadedede. si pedia rin ang magsasabi sa inyo if need mag formula feed kung talagang walang milk si mommy.

Magbasa pa
1y ago

Thankyou mommy sa comment nabawasan yung pag worry ko, napaisip kasi ako since ang dami rin dito sa app nagtatanong about bf and i'm so confused kung paano since ftm nga po marami pa po talaga ko dapat malaman😅

Sa first few days akala po talaga natin wala tayong milk sa sobrang konti ng “demand” ni baby, their stomach’s size is as big as a calamansi lang po kasi as doctors say. Ipa latch mo lang po nang ipa latch kay baby. Also, magprepare ka rin po ng milk catcher in case may milk ka and for some reason hindi pa makadede pa sayo si baby (assuming you’ll be feeding your baby on demand instead na every specific # of hours). Pwede mo istore si milk, nakapagsend ka pa ng signal sa body mo to keep producing more. Good luck po mommy! ❤️

Magbasa pa
1y ago

Thankyou for commenting mi!💗 at pag eenlighten ako sa mga ganyan bagay for sure makakatulong din to sa iba mommy na makakabasa😊❣️

Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Make sure po to learn how to DEEP LATCH. Remember that breastfeeding is NOT supposed to be painful. Kapag masakit po, i-unlatch si baby and try again. I recommend watching these videos rin po: https://youtube.com/playlist?list=PLxVdpaMfvxLCDSNEgM2QcN5pAc-LraJgL

Magbasa pa
1y ago

Thankyou mommy😊 I will surely watch po yan. Na appreciate ko po yung pagccomment ninyo🥺💗

natural daw po wala pang gatas pagka panganak. parang tubig palang po ang lalabas dyan. o tinatawag na colostrum 2-3days pa lalabas ang milk. ipa dede nyo lang po palagi more tubig ka din po mommy tas mag ulam ka ng masasabaw. lalo na yung sinabawang tahong at tinola maraming luya para mas magatas at malunggay din po. kung gusto nyo po bili ka po Malunggay capsule nasa 4pesos lang po ang isa. yun po gamit ko noon. sobrang lakas po ng milk ko nun.

Magbasa pa

Sa hospital po pinag anakan ko 3 months ago meron silang stock ng breastmilk. After 2 days don na po ako nagka milk pero di sya maka latch sakin kasi maliit yung nipple ko and sa lamig din cguro non kaya ayaw lumabas kahit ano gawin ko 😅 Kaya hingi na lang po ako ng hingi ng breast milk sa nurse. Buti pag uwi umokay na ☺️

Magbasa pa
1y ago

Sana ganon din po sa pag aanakan ko mommy🥺💗 nagwworry lang po kasi talaga ko paano kung wala ako maipadede sakanya baka magutom siya

masasabaw na ulam po kainin mo, as much as possible lahukan nyo po ng malunggay and minsan po inaadvise po ng OB na mag lactating milk na din ang mga mommy even before manganak, nag lactating milk po ako starting nung una kong consultation sa OB ko hehe ayun 5months palang tyan ko nun may konting milk na ko hehe

Magbasa pa
1y ago

lactating milk na din po ang enfamama, maternal milk sya na may pampagatas na din, anmum di po yata ganun din

VIP Member

unli latch lang mii ganyan din ako nung unang labas ni baby akala ko wala akong nailalabas na gatas. kain ka lamg ng nakakapagpalakas ng gatas mga masasabaw o kaya pa reseta ka ng mga capsule na pampagatas wag ka susuko mii ☺😊😇

yeah padede mo lang ng padede. magvitamins ka din for milk supply and sabaw and milk! law of supply and demand. pero if wala talaga, surely, infant formula. wag daw po water kasi hindi pa nila kaya ung sobrang tubig

ipalatch mo lang mommy tapos inum ka ng nilagang malunggay yun yung gawen mong tubig epektib kase yun sa akin nung wala pa akong gatas

1y ago

Noted mommy! thankyou pooo❣️

TapFluencer

Hi po. palatch nyo lang po ng palatch si baby para mastimulate mo breast nyo to produce milk.

1y ago

Laban lang mommy, hanggat may wiwi at poop si baby, it means may nadedede po sya sayo kahit di mo po halata or nakikita