tulog problem

Ask ko lang po mga mami, sabi ng iba bawal daw nagpupuyat ang buntis. Ano po ba nagiging epekto nito sa baby or satin mga nagbubuntis? Ang kadalasan tulog ko kasi 11. Ang hirap po.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako din 3am or 4am na nakakatulog pero nagigising ako ng 10am tapos tulog ulit sa hapon. Ok lang naman ata basta 8 hrs pa rin araw-araw. Sabi nga ng sister ko dapat mg practice na akong matulog ng maaga para paglabas ni baby eh sabay kami sa oras ng pagtulog. Baka masanay katawan natin na late na kakatulog eh ang aga pa naman nagigising ng mga baby

Magbasa pa
VIP Member

Mas lalo akong nahirapan ngayong kabuwanan ko na kahit di ako matulog ng tanghali dahil puyat, wala padin. Di padin ako makatulog sa gabi. Nakakapagpa anemic kase satin yun kase share kayo ni baby sa dugo eh. Pag naging anemic ka, hihina katawan mo. Bawat kilos mo mahihilo tas pwede ka mag collapse. Ganyan ako noon kaya na confine ako

Magbasa pa

Ako dati madaling araw na takaga nakakatulog worst minsan umaga na. Basta make sure na enough yung sleep mo everyday wala namang masama at drink your vitamins, nanganak na ako at qala namang naging prob sa baby ko. Sleep at least 6 hours a day.

VIP Member

ganyan din ako nung buntis pa ko halos madaling araw na ko lagi natutulog pero pag dating ng 9mons. maaga na ko antokin pero 11pm pa ako nakakatulog minsan 2am pa yan, wala naman epekto sa baby ko ngayon 27days old na sya.

VIP Member

sakin ngayon 36weeks hirap din matulog,ang hirap kasi hanapin yung pwesto na kung saan komportable kaya kadalasan 11 na din tulog ko 8 or 9 am naman yung gising ko..

Post reply image
Super Mum

Same tayo. Nahihirapan din ako makatulog agad. Mga 12 n rin ako nakakatulog pero nimake sure ko na at least nakaka 6 or 8 hours pa rin ako ng sleep

VIP Member

Hays ako po working mom.. imbes maka tulog agad after work lalo akong napupuyat 1-3am madalas ako makatulog super hirap matulog 😣😣

nung 7weeks ako gising ako ng 2am-6am hirap makatulog kasi iritabl dahil sa init kahit naka-aircon naman. hahaha

Basta may 8hrs sleep ka okay lang momsh lahit late. Kasi dala ng pagbubuntis yan kung bakit tayo hirap matulog.

Wala naman po siyang direct effect kay baby. Kasi may sarili siyang sleeping pattern/routine.